1,033 total reads
Hinikayat ni Pope Leo XIV ang mga kabataan sa buong mundo na makiisa sa pagdiriwang ng World Youth Day 2027 sa Seoul, South Korea, upang mapalalim ang pananampalataya at makabuo ng pagkakaibigan sa kapwa kabataang Katoliko.
Sa isang video message nitong Huwebes, Oktubre 22, sinabi ng Santo Papa na ang pagtitipon ay hindi lamang pagkakataong makapunta sa ibang bansa, kundi isang paglalakbay ng pananampalataya, pagkakaibigan at pag-asa.
Ayon kay Pope Leo, pagkakataon din ito upang makilala ng mga kabataan ang iba’t ibang kultura at wika, habang pinagtitibay ang kanilang pagkakaisa bilang mga tagasunod ni Kristo.
“Yet, despite these differences, and indeed because of your God-given diversity, you will experience an even greater sense of unity, for we are all members of the one Body of Christ,” ayon sa paanyaya ng Santo Papa.
Dagdag pa ng Santo Papa, “will make joyful memories and form friendships that will last a lifetime.”
Hinimok din ng pinunong pastpl ang mga kabataan na dalhin sa pagtitipon ang kanilang mga pangarap, pag-asa, problema at pinagdaraanan sa buhay, sa paniniwalang makatutulong ang kanilang pananampalataya upang muling manumbalik ang pag-asa at kagalakan.
Ayon pa kay Pope Leo, “bring all that you are and all that you carry in your hearts, including your dreams, desires, and hopes, as well as your wounds and struggles.”
Ang tema ng World Youth Day 2027 ay Take Courage! I Have Overcome the World o Magpakatatag, dinaig Ko ang sanlibutan.
Gaganapin ang ika-17 pandaigdigang World Youth Day sa Seoul, South Korea, sa 2027. Ang pagdiriwang ay sinimulan ni Saint John Paul II upang palakasin ang pananampalataya at pagkakaisa ng mga kabataang Katoliko sa buong mundo.




