Palalimin ang ecclesial communion, hamon ng CMSP superior sa mga obispo, pari at religious superiors

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,111 total reads

Hinimok ni Rev. Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM, Chairperson ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), ang mga obispo, pari, religious superiors at consecrated persons na palalimin ang ecclesial communion sa pamamagitan ng wastong paggamit ng authority, pagpapahalaga sa mga charism, makabuluhang pakikilahok, at tunay na co-responsibility.

Sa kanyang talumpati sa ikalawang araw ng Convention on Mutual Relations 2026 na may paksang “Consecrated Life within Ecclesial Communion: Authority, Charism, Participation and Co-responsibility in the Local Church,” binigyang-diin ni Fr. Redoblado na ang consecrated life ay hindi hiwalay sa Simbahan.

“Consecrated life is a gift of the Holy Spirit to the whole Church. It does not exist for itself.” Bahagi ng mensahe ni Fr. Redoblado.

Ayon sa Pari, malinaw rin sa turo ni Pope Francis na, “Consecrated life is a gift to the Church, it is born of the Church, it grows in the Church, and it is entirely directed to the Church.”

Paliwanag ni Fr. Redoblado, “Consecrated life is not outside the Church, alongside the Church, or above the Church. It is within the Church, at the service of the Church, and for the mission of the Church.”

Pagbabahagi ng Pari, may mga pagkakataong maganda ang sinasabi tungkol sa communion at collaboration ngunit hindi ito naisasabuhay dahil sa misunderstandings, magkakaibang expectations, territorialism, at tensyon tungkol sa authority at autonomy.

“At times, we speak eloquently about communion but struggle to live it. We proclaim collaboration but continue working in isolation.” Dagdag pa ni Fr. Redoblado.

Binigyang-diin din ng Pari na ang communion ay hindi nangangahulugan ng pagiging pare-pareho. “Communion does not mean uniformity, but unity enriched by diversity.”

Dahil dito, iginiit ni Fr. Redoblado na kailangang igalang ang legitimate authority habang kinikilala rin ang mga kaloob at charisms na ibinibigay ng Espiritu Santo.

Ayon sa Pari, ang authority sa Simbahan ay hindi kapangyarihan para sa sarili kundi pananagutang ipinagkatiwala para sa kapakanan ng iba.

“For the Christian community, authority is never simply the possession of power. It is a responsibility entrusted for the good of others.” Ani Fr. Redoblado.
Aniya, ang tunay na synodal leadership ay marunong makinig at kumonsulta. “Leadership must listen before deciding, discern before acting, and explain decisions in ways that strengthen trust.”

Mga charism, hindi pag-aari kundi ipinagkatiwala

Binigyang-diin din ni Fr. Redoblado na ang mga religious congregation ay tinawag na maging tapat sa kanilang charism at mission.

“We are stewards of our charisms, not their owners.” Paalala ni Fr. Redoblado”.

Nagbabala rin ang Pari laban sa panganib na maging mahusay lamang sa pamamahala ngunit mawalan ng prophetic witness sa lipunan.

“We can become excellent administrators of institutions while becoming poor witnesses to the Gospel.” Ayon kay Fr. Redoblado.

Aniya, kailangang manatiling matapang at mapagkumbaba ang prophetic witness ng consecrated life.

“Consecrated life must not lose its prophetic voice simply because such witness may create discomfort. Authentic prophecy requires courage and humility together.” Ani Fr. Redoblado.

Participation at co-responsibility

Para kay Fr. Redoblado, ang participation ay hindi lamang pagdalo sa mga pagpupulong o pagtanggap ng instructions, kundi pagkakaroon ng tunay na bahagi sa discernment ng misyon ng Simbahan.

Dagdag pa ng Pari, dapat mutual ang pakikinig at pagbabahaginan kung saan ang co-responsibility ay nangangahulugang pagkilala na ang misyon ng Simbahan ay pananagutan ng lahat.

“Co-responsibility means recognizing that the mission itself belongs to all of us.” Dagdag pa ni Fr. Redoblado.

Binigyang diin din ni Fr. Redoblado na dahil iisa ang misyon, hindi dapat mauwi sa kompetisyon ang pagkakaiba ng mga bokasyon at institusyon.

“We are not competing organizations serving different interests. We are different members of one Body serving the same Lord.” Paalala pa ni Fr. Redoblado.

Sa huli, sinabi ni Fr. Redoblado na bagama’t magkakaiba ang bokasyon, charism, responsibilidad at ministry, iisa pa rin ang Simbahang kinabibilangan.

Iginiit ng Pari na dapat maging sentro ang pagpapanatili ng sariling institusyon kundi ang paglilingkod sa Ebanghelyo.

Sa ganitong communion, sinabi ng Pari ang layunin ng pagtitipon ay hindi lamang mas maayos na ugnayan sa loob ng Simbahan, kundi mas tapat na pagpapahayag ng Ebanghelyo, mas mapagbigay na paglilingkod sa mahihirap, mas matapang na pagiging instrumento ng kapayapaan, at mas responsableng pangangalaga sa ating common home.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 36,345 total reads

 36,345 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 86,831 total reads

 86,831 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 134,702 total reads

 134,702 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 238,650 total reads

 238,650 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 322,907 total reads

 322,907 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top