Malawak na proteksyon at kompensasyon ng mga manggagawa laban sa init, iginiit ng FFW

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 951 total reads

Iginiit ng Federation of Free Workers (FFW) ang pangangailangan ng mas malawak na proteksiyon at compensation para sa mga manggagawang nalalagay sa panganib dahil sa matinding init, lalo na ang mga traffic enforcer, delivery rider, construction worker at agricultural worker.

Sa panayam sa prorgramang Baranggay Simbayanan ng Radyo Veritas 846, inihayag ni Julius Cainglet, Vice President for Research, Advocacy and Partnerships ng FFW, may karapatan ang mga manggagawa na tumanggi sa trabahong nagdudulot ng panganib sa kanilang kalusugan at buhay.

Kapaloob ang karapatang ito sa ‘Republic Act 11058 o Occupational Safety and Health Law’, at sa mga umiiral na alituntunin.

Ipinaliwanag ni Cainglet na pinalawak ng Employees Compensation Commission ang mga sakit na maaaring saklawin ng Employees’ Compensation Program kaugnay ng heat stress, kabilang ang heat syncope, heat rash, muscle injury, dehydration na nagdudulot ng pinsala sa bato, at mga neurological disorder.

Hinimok naman ni Cainglet ang pamahalaan na pag-aralan ang pagbibigay ng wastong compensation sa mga araw na hindi makapagtrabaho ang mga manggagawa dahil sa matinding init, gayundin ang pagpapalakas ng mga programang pangkaligtasan sa lugar-paggawa.

Iminungkahi nito ang pagbabago ng iskedyul ng trabaho upang maiwasan ang pinakamatinding sikat ng araw, pagbibigay ng sapat na malinis at malamig na tubig, angkop na kasuotan at proteksiyon sa init, at pagpapatupad ng mga occupational safety and health program.

Binigyang-diin din niya ang pangangailangang matiyak ang proteksiyon ng mga delivery rider at iba pang manggagawang itinuturing na independent contractor.

Sagot ito ng F-F-W sa implementasyon ng Department of Labor and Employment o DOLE ng Labor Advisory No. 19, Series of 2026 noong October 23 na nag-uutos sa mga employers na unahin ang kapakanan ng kanilang mga manggagawa laban sa matinding init na idudulot ng Super El Niño.

Binibigyan diin sa ensiklikal na Laborem Exercens ni Saint John Paul II ang dignidad ng paggawa at sa karapatan ng mga manggagawa sa ligtas at makataong kondisyon sa trabaho.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 837 total reads

 837 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 21,435 total reads

 21,435 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 83,059 total reads

 83,059 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 168,426 total reads

 168,426 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 215,162 total reads

 215,162 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 263,035 total reads

 263,035 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 362,869 total reads

 362,869 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 21,436 total reads

 21,436 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top