Makatarungang umento sa sahod, panawagan ng FFW

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 689 total reads

Nanawagan si Atty. Sonny Matula, chairperson ng Nagkakaisang Koalisyon at national president ng Federation of Free Workers (FFW), sa gobyerno na pabilisin ang pagresolba sa mga kasong may kinalaman sa paggawa, matibay na proteksyon sa mga manggagawa at ipatupad ang makatarungang umento sa sahod.

Sa panayam kay Matula sa programang Baranggay Simbayanan ng Radyo Veritas, sinabi ni Matula na hindi dapat abutin ng lima hanggang sampung taon ang pagresolba sa mga usapin sa paggawa dahil sa mabagal na paglilitis.

Iginiit din ni Matula na hindi dapat agad ituring na sanhi ng inflation ang katamtamang umento sa sahod, dahil ginagamit ng mga manggagawa ang kanilang kita sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan sa bansa, na nakatutulong sa pag-ikot ng ekonomiya.

Hinimok ni Matula ang mga employer at manggagawa na pag-usapan ang mga hakbang para sa kaligtasan sa trabaho, lalo na sa matinding init na nararanasan ng mga construction worker, na nanganganib sa heat stroke,

Binigyang-diin din niya ang pangangailangang mag-organisa ang mga manggagawa upang sama-samang maisulong ang kanilang mga hinaing at karapatan.

Umaasa rin si Matula sa mabilis na pagpapasya ng Korte Suprema sa mga usaping may kinalaman sa mga wage order, upang maiwasan ang matagal na kawalan ng katiyakan sa pagpapatupad ng umento sa sahod.

Samantala, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa at pag-oorganisa ng mga manggagawa, kabilang ang mga platform worker na kinikilalang regular na empleyado sa ilang desisyon ng National Labor Relations Commission (NLRC), sa halip na ituring lamang na mga independent contractor.

Bininigyan diin sa ensiklikal na Laborem Exercens ni Pope John Paul II ang dignidad ng paggawa at sa karapatan ng mga manggagawa sa makatarungang sahod, ligtas na kondisyon sa trabaho at paggalang sa kanilang mga karapatan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 8,735 total reads

 8,735 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 115,398 total reads

 115,398 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 201,509 total reads

 201,509 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 271,642 total reads

 271,642 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 304,888 total reads

 304,888 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top