Pakikilakbay sa correctional community at PDLs, tiniyak ng CBCP-ECPC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,332 total reads

Ipinaalala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) na walang sinuman ang nawawalan ng dignidad bilang nilikha ng Diyos, kahit sila ay deprived of liberty.

Sa mensahe ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, Chairman ng CBCP-ECPPC, para sa Prison Awareness Sunday ngayong Oktubre 25, 2026 binigyang-diin ng Obispo na ang tema nitong “Healing and Transformation in the Correctional Community: Witnessed to by a Synodal Church Touched by God’s Infinite Love” bilang paanyaya na maging isang Simbahang naglalakbay kasama ang mga nasa correctional community at maging kasama ng mga Persons Deprived of Liberty sa kanilang paghilom at pagbabago.

“This year’s theme calls us to become a Synodal Church that walks with our brothers and sisters deprived of liberty, recognizing their God-given dignity and accompanying them on their journey toward healing and transformation.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Florencio.

Batay sa Gaudium et Spes at Catechism of the Catholic Church, ipinaalala ng Obispo na nakaugat sa pagkakalikha sa wangis ng Diyos ang dignidad ng bawat tao.

“While a person may be deprived of liberty, no one can ever be deprived of the dignity bestowed by God.” Ayon kay Bishop Florencio.

Kinikilala rin ng CBCP-ECPPC ang mahalagang papel ng Volunteers in Prison Service (VIPS), mga prison chaplain at iba pang miyembro ng correctional community sa paghahatid ng pag-asa, espirituwal na paggabay at pagkakataon para sa rehabilitasyon.

Ayon kay Bishop Florencio, ang mga VIPS ay nagiging buhay na saksi ng awa ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang pagbisita, pananalangin, spiritual formation at mga gawaing kawanggawa, habang ang mga chaplain naman ay patuloy na nagsisilbing katuwang sa reconciliation, conversion, at renewed hope.

Binigyang-diin din ng Obispo na batay sa Fratelli Tutti na encyclical ni Pope Francis, ang parusa ay hindi dapat nakabatay sa paghihiganti kundi sa layuning makatulong sa paggaling at muling pakikibahagi ng tao sa lipunan.

“This challenges us to see correctional institutions not merely as places of confinement, but as places where lives can be renewed and hope restored.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Ipinaalala naman ng Obispo sa mga Persons Deprived of Liberty, na ang nakaraan ay hindi dapat maging hangganan ng kanilang kinabukasan, sa halip ay isang pagkakataon upang matuto at muling makapagsimula sa buhay.

“You remain beloved children of God, worthy of dignity, compassion, forgiveness, and the opportunity for a new beginning.” Ani Bishop Florencio.
Hinikayat din ni Bishop Florencio na siya Obispo ng Military Diocese ang buong correctional community, mga chaplain, volunteers, correctional personnel, pamilya, at PDLs na patuloy na maglakbay nang magkakasama sa diwa ng communion, participation at service.

Sa huli, muling itinuro ni Bishop Florencio ang paanyaya ni Hesus sa Matthew 25:36: “I was in prison and you visited me.”

Ayon kay Bishop Florencio, “For in a community touched by God’s infinite love, no one is forgotten, no one is beyond redemption, and everyone deserves the opportunity for healing and transformation.”

Una ng ibinahagi ng Obispo na ang taon-taong paggunita ng Prison Awareness Week ay naglalayong pukawin ang damdamin ng mga mamamayan na bigyang pansin ang kalagayan ng mga bilanggo sa ating bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 49,949 total reads

 49,949 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 135,315 total reads

 135,315 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 182,050 total reads

 182,050 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 229,922 total reads

 229,922 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 331,480 total reads

 331,480 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top