Pangalagaan ang kasal at pamilya, panawagan ni Pope Leo XIV sa mga pinuno ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,319 total reads

Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga pinuno ng pamahalaan at iba pang sektor ng lipunan na higit na pangalagaan ang kasal at pamilya, na itinuturing na pundasyon ng isang matatag na lipunan.

Sa kanyang general audience sa St. Peter’s Square sa Vatican, ipinaliwanag ng Santo Papa na ang maayos na kalagayan ng pamilya ay mahalaga sa kapakanan ng bawat tao at ng buong lipunan.

“The mutual self-giving of man and woman, such that ‘they are no longer two but one flesh’, underlies the requirement for ‘total fidelity’ and the ‘unbreakable oneness’ of the spouses, finding vivid expression in the procreation and upbringing of children,” ayon kay Pope Leo.

Ayon kay Pope Leo, mas kailangan ngayon ang mga konkretong hakbang upang mapangalagaan ang pagsasama ng mag-asawa at matiyak ang kapakanan ng kanilang mga anak.

Binigyang-halaga rin niya ang katapatan at matibay na ugnayan ng mag-asawa, na dapat nakabatay sa pagmamahalan, paggalang at kusang-loob na pagbibigay ng sarili para sa isa’t isa.

Ipinaliwanag ng Santo Papa na ang tunay na pagmamahalan ay hindi lamang nakabatay sa pisikal na atraksyon, kundi sa buong pusong pag-aalaga at pagsuporta sa isa’t isa sa lahat ng yugto ng buhay.

Binigyang-diin din niya ang pananagutan ng mga magulang sa pagkakaroon at pagpapalaki ng mga anak, gayundin ang pangangalaga sa buhay mula sa paglilihi.

Muling iginiit ni Pope Leo ang paninindigan ng Simbahang Katolika laban sa aborsiyon at pagpatay sa mga sanggol, at hinimok ang mga mag-asawa na gumawa ng mga pagpapasya para sa kapakanan ng kanilang pamilya alinsunod sa kanilang konsensiya at mga aral ng Simbahan.

Ang mensahe ay bahagi ng serye ng mga katuruan ng Santo Papa tungkol sa mga dokumento ng Ikalawang Konsilyo Vaticano, partikular ang Gaudium et Spes, na tumatalakay sa ugnayan ng Simbahan at ng makabagong mundo.

Samantala, ito ang unang general audience ni Pope Leo matapos maoperahan sa baga noong October 13 at makalabas sa ospital sa Roma noong October 17.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 50,680 total reads

 50,680 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 98,552 total reads

 98,552 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 202,499 total reads

 202,499 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 288,613 total reads

 288,613 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 356,273 total reads

 356,273 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top