1,774 total reads
Hindi na mangangailangan ng karagdagang gamutan si Pope Leo XIV matapos makumpirma ang isang uri ng kanser sa baga ay ang tumor na inalis sa kanya sa pamamagitan ng operasyon noong October 13.
Sa pahayag ng mga doktor ng Santo Papa noong Oktubre 21, kinumpirma nina Dr. Luigi Carbone at Professor Stefano Margaritora na ang tumor ay lung adenocarcinoma.
Batay sa resulta ng pagsusuri sa mga tissue na inalis sa operasyon at sa karagdagang pagsusuri ng mga espesyalista sa kanser, nanatili lamang sa isang bahagi ng baga ang sakit.
“The final histopathology and molecular testing reports on the tissue removed during the Holy Father’s surgery were issued today. The results confirmed that the tumor was a lung adenocarcinoma and that the disease was localized. A subsequent oncological assessment has confirmed that no further treatment is necessary,” ayon sa inilabas na pahayag ng Holy See.
Dahil dito, sinabi ng mga doktor na hindi na kailangan ng karagdagang paggamot para sa naturang kondisyon.
Sa isinagawang operasyon, inalis ang ibabang bahagi ng kanang baga ng Santo Papa.
Ang pinakahuling resulta ng pagsusuri ay kasunod ng kanyang paglabas sa Gemelli Hospital sa Roma matapos ang operasyon.
Noong Oktubre 21, nakadalo na rin si Pope Leo sa pangkalahatang pagtitipon sa St. Peter’s Square, kung saan muli siyang nakaharap at bumati sa mga mananampalataya.
Patuloy namang sinusubaybayan ang kalagayan ng Santo Papa matapos ang kanyang operasyon.




