Ugnayan ng pananampalataya at kultura, ipinaliwanag ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 917 total reads

Iginiit ni Pope Leo XIV na nakatutulong ang pananampalatayang Kristiyano sa pagpapayaman ng kultura at paghubog ng tao, lalo na sa pamamagitan ng pagmamahal, paglilingkod at paghahanap ng katotohanan.

Sa kanyang general audience sa St. Peter’s Square sa Vatican noong Miyerkules, ipinaliwanag ng Santo Papa ang ugnayan ng pananampalataya at kultura batay sa dokumentong Gaudium et Spes ng Second Vatican Council.

Ayon sa Santo Papa, matagal nang nagtataguyod ang Simbahan ng mga paaralan at pamantasan upang mapaunlad ang kaalaman, pagkatao at espirituwalidad ng mga tao.

Binigyang-diin din pinunong pastol na makatutulong ang iba’t ibang kultura sa paghahanda ng mga tao na tanggapin ang Mabuting Balita, dahil bawat kultura ay may sariling paraan ng paghahanap ng kahulugan ng buhay.

“The relationship between faith and culture finds its primary foundation in the Incarnation. As the divine Word became flesh and came to dwell in our midst, so too is faith an incarnate reality, interwoven with the culture in which it is immersed,” ayon kay Pope Leo.

Ipinaliwanag ni Pope Leo na hindi dapat magkahiwalay ang pananampalataya at pag-aaral, kundi ay magkaugnay ang kaalaman sa agham at iba pang larangan at ang mas malalim na pag-unawa sa pananampalataya.

“Faith dwells within them, shaping them from within according to the ‘form’ of Jesus Christ; that is, through charity, service and the filial recognition of God’s fatherhood,” ayon pa sa mensahe ng Santo Papa.

Hinimok din ng Santo Papa ang Simbahan na pahalagahan ang mabuti, maganda at totoo sa bawat kultura upang mas maipahayag ang mensahe ni Hesukristo.

Ayon sa Santo Papa, dapat makita sa buhay ng mga Kristiyano ang pananampalatayang nakaugat kay Kristo, sa pamamagitan ng pagmamahal sa kapwa, paglilingkod at pagkilala sa Diyos bilang Ama.

Samantala, kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon ang humigit-kumulang 50 mananampalataya mula sa St. Jude Catholic Church sa New Lenox, Illinois, Estados Unidos. Kabilang sa grupo ang kapatid ng Santo Papa na si John Joseph Prevost.

Nagtapos ang kanilang paglalakbay sa Vatican matapos bisitahin ang ilang makasaysayang bayan sa Italy na may kaugnayan sa buhay at pamana ni San Agustin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 5,272 total reads

 5,272 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 41,662 total reads

 41,662 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 98,068 total reads

 98,068 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 221,489 total reads

 221,489 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 23,037 total reads

 23,037 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 22,908 total reads

 22,908 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »
Scroll to Top