Opisyal ng kinoronahan ang imahen ni Maria, Ina ng Kapayapaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,830 total reads

Pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown kasama si Antipolo Bishop Ruperto Santos at mga Pari ng Diocese of Antipolo ang canonical coronation sa Our Lady Queen of Peace parish sa Rodriguez, Rizal.

Sa kanyang pagninilay, ipinaalala ni Archbishop Brown na nagsisimula ang tunay na kapayapaan sa puso ng bawat tao na dapat itong palawakin sa pamilya, pamayanan at buong mundo.

Inihayag din Archbishop Brown na mahalaga ang panalangin, lalo na ang Santo Rosaryo, at ang patuloy na pagtitiwala kay Hesukristo, na palaging kasama ng mananampalataya sa gitna ng mga pagsubok.

Ipinaliwanag din ng Apostolic Nuncio na ang pagkokorona sa Mahal na Birhen ay pagpapahayag ng pagmamahal, pagtitiwala at pagkilala sa kaniyang gabay bilang isang mapagmahal na ina.

Iginiit ni Archbishop Brown na sa pamamagitan ng panalangin at kapayapaang nagmumula kay Kristo, maaaring maipalaganap ang pagkakaisa mula sa sarili tungo sa pamilya at sa buong mundo.

“Peace begins in our hearts. If we don’t have peace in our hearts, there’s not going to be peace in our communities, there’s not going to be peace in our families, there’s not going to be peace in the world. Let there be peace on earth, and let it begin with me. That is where peace begins: in your heart and in my heart,” pagninilay ni Archbishop Brown

Hinimok naman ni Bishop Santos ang mananampalataya na huwag limitahan sa seremonya ang pagkilala kay Maria, Ina ng Kapayapaan, kundi isabuhay ang pagmamahal, pagkakaisa at paglilingkod sa kapwa.

Binigyang-diin ng Obispo na maging mga taga-pamayapa, taga-pagbuklod at taga-paghatid ng pag-asa ang bawat isa sa gitna ng mga hamon sa pamilya, lipunan at mga bansa.

Layunin ng Canonical Coronation na palalimin ang pananampalataya ng mga deboto, panibaguhin ang kanilang pag-asa at hikayatin silang maging tunay na mga alagad ni Kristo sa ilalim ng paggabay ng Mahal na Birheng Maria.

“Today, as we honor Maria, Ina ng Kapayapaan, we are reminded that our world is still longing for peace. We see many challenges around us, in our families, in society, and among nations. Yet Mary teaches us that peace begins when we allow God to dwell in our hearts. From there, it grows in our homes, spreads through our communities, and reaches the whole human family and the world God has created for us,” pambungad na pananalangin
Bishop Santos sa koronasyon.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 22,409 total reads

 22,409 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 48,203 total reads

 48,203 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 118,627 total reads

 118,627 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 205,143 total reads

 205,143 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 248,165 total reads

 248,165 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 296,005 total reads

 296,005 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top