Bishop Alminaza, nanawagan sa pamahalaan na paigtingin ang proteksyon sa OFW’s

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,078 total reads

Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang Simbahan at pamahalaan na paigtingin ang proteksiyon sa mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa, kasabay ng pasasalamat sa ganap na paglaya ni Mary Jane Veloso matapos ang 16 na taong pagkakakulong sa Indonesia.

Sa misa pasasalamat na idinaos sa Our Lady of Remedies Parish o Malate Church, binigyang-diin ni Alminaza na hindi dapat ituring na pardon ang paglaya ni Veloso, dahil naniniwala siyang inosente ito at biktima ng human trafficking.

Inihayag ng Obispo na hindi rin mababawi ang 16 na taong nawalay si Veloso sa kaniyang mga anak at pamilya, kaya nararapat ding panagutin at kondenahin ang kawalang-katarungang sinapit nito.

Nanawagan ang obispo na magkaroon ng sapat at makatarungang trabaho sa Pilipinas upang hindi mapilitang mangibang-bansa ang mga mamamayan para lamang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

“Hindi natin sinasabi na pardon. Kasi kapag sinabi mong pardon, ibig sabihin, may kasalanan siya at pinatawad. In the first place, naniniwala tayo na inosente siya. Victim siya ng human trafficking. At kahit na nagdiriwang tayo ngayon, hindi nito binubura ang mahabang panahon na talagang naghirap ang pamilya,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Alminaza.

Binigyang-diin din niya ang pangangailangang tiyakin ang patas na sahod, seguridad at proteksiyon ng mga migranteng manggagawa laban sa pananamantala at human trafficking.

Hinimok din ni Alminaza ang mga ahensiya ng pamahalaan at mga ministeryo ng Simbahan na tulungan ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa at huwag pabayaan ang kanilang mga pamilyang naiiwan.

Kasabay nito, nanawagan siyang pabilisin ang paghahanap ng hustisya at pagbutihin ang sistema ng hustisya, lalo na para sa mga bilanggo na maaaring inosente o nakapagsilbi na ng higit sa nararapat na sentensiya.

Sa kabila ng pagdiriwang sa paglaya ni Veloso, ipinaalala ng obispo na marami pang Pilipinong maaaring nakararanas ng kaparehong pagsasamantala at nangangailangan ng tulong. Hinamon niya ang Simbahan at pamahalaan na tiyaking walang Pilipinong mawawalan ng pag-asa dahil sa kakulangan ng suporta, oportunidad at katarungan.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 22,011 total reads

 22,011 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 47,381 total reads

 47,381 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 117,834 total reads

 117,834 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 204,350 total reads

 204,350 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 247,372 total reads

 247,372 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 295,244 total reads

 295,244 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top