Deboto ni Saint Jude Thaddeus,hinimok ng Obispo na maging instrumento ng pag-asa at kapayapaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,031 total reads

Hinimok ng lider ng Simbahan ang mga deboto ni Saint Jude Thaddeus na maging instrumento ng pag-asa, kagalakan at kapayapaan sa gitna ng mga pagsubok at pangamba sa mundo, kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng patron ng mga walang pag-asa.

Binigyang-diin ni Diocese of San Jose Bishop Samuel Agcaracar na nararapat maging taga-paghahatid ng kapayapaan at pagkakasundo ang bawat Katoliko, lalo na sa panahong nahaharap ang mundo sa iba’t ibang hamon.

Inihayag ng Obispo na ang kapayapaang nagmumula kay Kristo ang makatutulong upang maibsan ang pangamba ng mga tao, habang nagsisilbing inspirasyon si Saint Jude Thaddeus sa mga dumaranas ng mahihirap na sitwasyon.

“Happy fiesta to all and I would like to congratulate all devotees to St. Jude. And may all of us remain channels of peace, especially in a world now that seeks for peace and reconciliation. And you know, we offer only the peace of Christ because this is the only cure to the anxieties of us all today. Yeah. St. Jude has always been an icon, a symbol of hope to the hopeless, especially for us who face difficult situations. And in a world that is torn with enormous challenges, this is where St. Jude can remind us, can be an instrument of hope and inspiration, and this is our duty as Catholics, as devotees. May we remain instruments of hope and joy in this world,” pahayag ni Bishop Agcaracar sa Radyo Veritas.

Ibinahagi naman ni National Shrine of Saint Jude Thaddeus Rector and Parish Priest Father Alex Vitualla, SVD, na ang buhay ng santo ay paalala na huwag sumuko sa gitna ng mga paghihirap dahil may Diyos na maaasahan at mapagkakatiwalaan.

Ipinaliwanag niyang hindi ang sariling kakayahan ni Saint Jude Thaddeus ang dahilan ng kaniyang pagiging huwaran, kundi ang matibay niyang pananalig kay Hesukristo.

Ayon kay Father Vitualla, hinihikayat ng debosyon kay Saint Jude Thaddeus ang mga mananampalataya na kumapit sa Diyos sa halip na magpadaig sa kanilang mga kahinaan.

Binigyang-diin din niya na ang pagtitiwala sa awa ng Diyos ay dapat isabuhay araw-araw, upang maging patuloy na pagdiriwang ng buhay ang pananampalataya.

Sinasabi sa Spe Salvi ni Pope Benedict XVI, na ang pag-asang nagmumula sa pananampalataya sa Diyos ay nagsisilbing lakas ng tao sa pagharap sa mga pagsubok.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 5,921 total reads

 5,921 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 42,269 total reads

 42,269 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 98,675 total reads

 98,675 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 222,066 total reads

 222,066 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top