Gawing inspirasyon ang buhay ng nga Santo, panawagan ng Obispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 67,424 total reads

Hinimok ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto ang mananampalataya na gawing inspirasyon ang buhay ng mga Santo sa pagsasabuhay ng kabanalan at pagpapaigting ng panalangin para sa mga yumaong mahal sa buhay ngayong All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Ayon kay Bishop Presto,Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on Evangelization and Catechesis (ECEC) and Member ng Episcopal Commission on Catholic Education (ECCE) , mahalagang tularan ang mga banal na nagpakita ng pananampalataya, paglilingkod at malasakit sa mga mahihirap, maysakit, bilanggo at mga nangangailangan.

“Sa pagdiriwang natin ng All Saints’ Day ay pinagninilayan natin ang buhay ng mga santo at santa, kung saan ay makakakuha tayo ng inspirasyon upang mamuhay ayon sa kabanalan. Kabilang sa kanila ang mga martir na nag-alay ng kanilang buhay alang-alang sa pananampalataya. Mayroon ding mga santo na nagpakita ng kabutihan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga mahihirap, maysakit, bilanggo, mga bata at kabataang nangangailangan. Sikapin din nating tularan ang kanilang magagandang halimbawa at isabuhay ang mga pagpapahalagang Kristiyano,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Presto sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin din ng Obispo na higit sa pagdadala ng bulaklak at pagsisindi ng kandila sa mga puntod, mas mahalagang ipagdasal ang mga kaluluwa ng mga pumanaw.

Hinikayat ng Obispo ang mga Pilipino na panatilihing malinis ang mga sementeryo at gawing pagkakataon ang pagdalaw upang manalangin at magnilay.

Hindi rin kailangang sa mismong araw ng All Saints at All Souls Day lamang bumisiya bumisita sa mga libingan dahil maaari itong gawin sa ibang araw at isang tradisyon na mapapatibay ang samahan ng mga pamilya o kaibigan. .

“Sa November 2 naman ay ang pagdiriwang natin ng All Souls’ Day kung saan ay ating inaalala ang mga yumao nating mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagdalaw natin sa kani-kanilang mga libingan at pagdarasal para sa kanila. Hindi sapat na tayo ay nagdadala ng flowers at nagtitirik ng kandila sa kanilang puntod. Ang mas mahalaga ay ang ating dasal para sa kanila. Kung hindi man tayo makapunta sa sementeryo sa November 1 or 2, ay mayroon pa ring ilang araw na puwede tayong makadalaw “ bahagi pa ng mensaheng pinadala ni Bishop Presto sa Radyo Veritas.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 22,237 total reads

 22,237 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 47,850 total reads

 47,850 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 118,283 total reads

 118,283 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 204,799 total reads

 204,799 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 247,821 total reads

 247,821 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 295,669 total reads

 295,669 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top