Holiness is the mission of all believers -Fr.Pascual

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 63,976 total reads

Hinimok ni Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila, ang mga mananampalataya na gawing hamon ang pagdiriwang ng All Saints’ Day upang higit na lumago sa kabanalan, pag-ibig, at paglilingkod sa kapwa.

Sa kanyang homiliya sa Banal na Misa para sa mga Yumao sa Holy Trinity Chapel ng Loyola Memorial Park sa Marikina City, sinabi ni Fr. Pascual na siya ring dating pangulo ng Radyo Veritas na mahalaga ang pagdalaw at pananalangin para sa mga pumanaw, habang ipinapaalala rin na ang paggunita sa mga banal ang patutunguhan ng bawat Kristiyano ang makasama ang Diyos sa langit.

“Doon ang ating direksyon, langit ang ating destinasyon. Happy ending, ika nga, ang ating direksyon at hindi sa impyerno.” Bahagi ng pagninilay ni Fr. Pascual sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin din ng Pari na ang buhay sa mundo ay isang paglalakbay at hindi ang tunay na tahanan ng tao, sapagkat nilikha ang bawat isa para sa Diyos at ang bokasyon ng bawat Kristiyano ay ang mamuhay nang banal.

Ipinaalala rin ni Fr. Pascual na batay sa Lumen Gentium ng Second Vatican Council, ang kabanalan ay hindi lamang para sa iilang tao kundi isang panawagan sa lahat ng mananampalataya.

“Holiness is the mission of all believers.” Dagdag pa ni Fr. Pascual.

Aniya, anuman ang bokasyon o propesyon ng isang tao maging pari, asawa, manager, negosyante o manggagawa ay maaari itong maging daan tungo sa kabanalan kung isinasabuhay ang pananampalataya sa araw-araw

Ayon sa Pari, ang unang tanda ng kabanalan ay tunay na pagsamba sa Diyos, sa halip na gawing pinakamahalaga ang kapangyarihan, kayamanan, karangalan o iba pang bagay na maaaring mawala.
Binigyang-diin din ni Fr. Pascual ang pag-ibig bilang sentro ng buhay Kristiyano, kung saan binigyang diin ng Pari na ang tao ay nilikha bilang bunga ng pag-ibig ng Diyos at ang bunga ng tunay na pananampalataya ay pag-ibig.

Ayon kay Fr. Pascual, “To will the good of the other. ’Yan daw ang pag-ibig.”

Kaugnay nito, hinamon din ng Pari ang mga mananampalataya na isabuhay ang pananampalataya hindi lamang sa loob ng simbahan kundi maging sa pamilya, trabaho, komunidad at lipunan.

Binigyang-diin ni Fr. Pascual na ang kabanalan ng bawat tao ay may epekto rin sa pamilya at sa lipunan, kabilang ang paraan ng pakikitungo sa kapwa at pagganap sa mga tungkulin bilang mamamayan.

Sa bahagi ng kanyang homiliya tungkol sa buhay pampubliko, hinimok naman ni Fr. Pascual ang mga Pilipino na maging mapanuri at responsable sa paggamit ng kanilang karapatang bumoto, at isipin ang kabutihan ng bansa sa pagpili ng mga mamumuno.

“Kung talaga mahal natin ang ating bansa tulad ng pagmamahal sa atin ng Diyos, to will the good of the other, isipin natin ang ikabubuti ng ating bansa.” Paalala ni Fr. Pascual.

Para kay Fr. Pascual, ang All Saints’ Day ay higit pa sa paggunita sa mga pumanaw sa halip ito ay paalala sa mga nabubuhay na ang bawat isa ay tinatawag na tahakin ang landas ng kabanalan at ihanda ang sarili sa pakikipag-isa sa Diyos.

“Hindi lang ’yan tungkol sa patay, na pumanaw, ’yan ay hamon para sa atin lahat.” Ayon pa kay Fr. Pascual.

Binigyang-diin din ng Pari na ang langit ay larawan ng ganap na pag-ibig, kapayapaan at kagalakan, kaya dapat nang simulan ng mga Kristiyano ang ganitong pamumuhay habang nasa mundo pa.

“Kaya at napakahalaga na lumago tayo sa kabanalan. ’Yan ang ating bokasyon bilang Kristiyano, isa lang ang bokasyon natin, maging banal ka, kung saan man ang iyong propesyonal, ano man ang iyong ginagawa sa buhay, lumago ka bilang isang banal na anak ng Diyos.” Dagdag pa ni Fr. Pascual.

Ang taunang Banal na Misa para sa mga Yumao ay taunang isinasagawa sa Holy Trinity Chapel ng Loyola Memorial Park sa Marikina City tuwing November 1, 2026 bilang paggunita sa Araw ng mga Banal at ng mga Yumao.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 21,868 total reads

 21,868 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 47,052 total reads

 47,052 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 117,521 total reads

 117,521 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 204,037 total reads

 204,037 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 247,059 total reads

 247,059 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 294,939 total reads

 294,939 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 21,869 total reads

 21,869 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »
Scroll to Top