Interactive Station of the Cross sa Sta. Maria della Strada Parish

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,458 total reads

Ngayong araw, ika-16 ng Abril taong 2025, isinagawa ang pagbabasbas ng Interactive Station of the Cross sa Parokya ng Sta. Maria della Strada sa Katipunan Ave., sa Lungsod ng Quezon.

Ang Interactive Station of the Cross na ito ay pinangunahan ng Emmanuel Youth Movement ang youth mother ministry katuwang ang Parish Pastoral Council and Parish Staff ng Parokya. Ito ay naging kagawian at panata na ng mga kabataan sa parokyang ito.

Ang nasabing aktibidad na ito ay nasa pangatlong taon nang ginagawa. Sa kasalukuyang taon, nakatuon ang tema ng mga interactive stations sa pang sariling panlalarawan o pagninilayan, binibigyang pagpapahalaga ng ISC ang bawat hamon at pagsubok na nararanasan ng bawat tao sa kanilang buhay.

Ayon kay Pol John Bristain, Coordinator ng Emmanuel Youth Movement, isa sa mga layunin nito ay upang mas maramdaman ng bawat makikibahagi ang naging tagpo ni Hesus sa daan ng krus.

“Isa sa mga tradisyon na ginagawa ng bawat pamilya sa panahon ng kwaresma ay ang Stations of the Cross at ang ilan ay isinasabay ito sa kanilang mga Visita Iglesia. Dito sa Sta. Maria della Strada Parish, ma e experience nila ang kakaibang paraan ng pagdarasal ng stations of the cross, ginawa itong interactive para ang mga mananampalataya mismo ay makaranas ng ilan sa mga naging tagpo rito at tayo bilang mga Katolikong Pilipino ay pinapahalagahan ang experiential aspect sa ating pananampalataya. Binibigyan din natin ng active participation ang mga mananampalataya habang ginagawa ang ating interactive stations of the cross sa pamamagitan ng mga activities na inihanda ng Emmanuel Youth Movement dito. Sa loob ng tatlong taon iba’t ibang touch of realities ang ibinibigay ng aming interactive stations of the cross tulad ng mga current events, social issues at ang paghahanda sa darating na halalan.”

Ayon naman kay Aralyce Vienne Imbuido, ISC Activity Head, Ang interactive station of the cross na ito nakatuon sa personal na repleksyon. Gaya ng sa pangalawang istasyon, may punto rito na pagninilayan mo ang iyong buhay na gusto mong isuko sa Panginoon.

“May mga activities tayo tulad ng sa Station 2 na we are to evaluate ourselves kung ano ang willing natin i-surrender kay God tulad ng pag-surrender ni Jesus sa will ng Panginoon. After writing the aspects of our life that we are willing to surrender, ilalagay natin siya sa hole na nako correspond  sa area ng buhay natin halimbawa, willing ako ng i-surrender kay God ang talent ko, gusto ko siya ihulog as aspect ng soul ko kasi naniniwala ako na unique ability siya na binigay sakin ni Lord.”

Dagdag pa niya, “Isa rin na sa tingin ko ang pinaka challenging na activity ay nasa Station 9. Ito ang pagsusulat ng participants sa sand ng most grievious sin gamit ang daliri nila. Then gagamitin ang maliit na tingting para mapatag yung sinulatang sand. This simple act speaks a lot lalo’t inaamin natin sa sarili natin ang pinaka mabigat nating kasalanan sa pamamamgitan ng pagsusulat na si Lord lang ang kayang makabasa at Siya lang din ang kayang makapagpatawad.”

Upang mas maging makabuluhan ang pag ninilay ngayong Holy Week, inaanyayahan kayo ng Emmanuel Youth Movement ng Sta. Maria della Strada Parish na bumisita at makibahagi sa Interactive Station of the Cross na bukas ngayong araw, Abril 16, 2025 hanggang tanghali ng Biyernes, Abril 18, 2025.

Mga Kapanalig, halina’t pumunta sa Sta Maria della Strada Parish.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 25,880 total reads

 25,880 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 13,113 total reads

 13,113 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 50,214 total reads

 50,214 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 152,036 total reads

 152,036 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 192,595 total reads

 192,595 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 212,657 total reads

 212,657 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top