Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkakaaresto ng ICC kay dating pangulong Duterte, nagbigay pag-asa sa FIND

SHARE THE TRUTH

 15,343 total views

Inihayag ng Families of Victims of Involuntary Disappearance (FIND) ang pagsidhi ng pag-asa ng pamilya ng mga sapilitang nawawala dahil sa pagkakaaresto ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ibinahagi ng FIND sa paggunita ng Kalbaryo ng Kawalan ng Katarungan 2025 ang pag-asang naidulot ng pagkakaaresto kay dating Pangulong Duterte kaugnay ng crimes against humanity dahil sa walang habas na patayan sa kanyang giyera kontra droga.

Sa datos ng FIND, may 56 na kaso ng sapilitang pagkawala ang naitala ng grupo na may kaugnayan sa marahas na implementasyon ng War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte.

“Isa rin sa mga nagpapasidhi ng pag-asa sa mga pamilya ay ang pagkaka-aresto ng ICC sa dating pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang crimes against humanity dahil sa walang habas na patayan sa kanyang giyera kontra droga, kung saan nakapagtala rin ang FIND ng 56 na kaso ng sapilitang pagwala.”Bahagi ng pahayag ng FIND.

Nilinaw naman ng FIND na hindi pa rito nagtatapos ang laban upang ganap na makamtam ng bawat biktima ang katarungan mula sa iba’t ibang uri ng karahasan sa lipunan.

Pagtiyak ng grupo ang patuloy na paninindigan sa pagsusulong at pagkamit ng katarungan at pananagutan ng lahat ng mga kasangkot sa paglabag sa karapatang pantao sa bansa hindi lamang sa mga nakalipas na administrasyon kundi magpahanggang sa kasalukuyang administrasyon.

“Malinaw na hindi natatapos dito ang laban at malayo pa ang lalakbayin tungo sa ganap na hustisya. Kasama ang FIND sa paniningil ng pananagutan ng lahat ng naging kasangkot sa paglabag sa mga karapatang pantao, sa mga lumipas at hanggang sa kasalukuyang administrasyon.” Dagdag pa ng FIND.

Sa paggunita ng Semana Santa ay nanawagan ang grupo sa bawat botante na pumili ng tama at karapat-dapat na mga kandidato sa papalapit na halalan na tulad ni Hesus ay handang magsakripisyo at ipagtanggol ang dangal at karapatang pantao ng bawat nilalang.

Giit ng grupo hindi kailanman makakamit ng sinuman ang katarungan kung walang pagrespeto sa dignidad at karapatang pantao ng bawat isa.

Nananawagan ang FIND sa lahat ng mga botante: na pag-isipang mabuti at bigyang halaga ang bawat boto. Piliin ang mga kandidatong may platapormang binibigyang prayoridad ang karapatan ng lahat.

Naunang hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang bawat isa na magmalasakitan sa kapakanan ng kapwa sa pamamagitan ng matalino at mapanuring pagboto sa tuwing sasapit ang halalan sa bansa.

Una ng inaanyayahan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat mananampalataya na ituon ang pagtingin kay Hesus sa paggunita ng Mahal na Araw kasabay ng paghingi ng biyaya upang higit na maintindihan ang misteryo ng kanyang pagpapakasakit para sa katuparan ng pangakong kaligtasan ng Panginoon para sa sangkatauhan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nakamamatay ang kurapsyon

 3,230 total views

 3,230 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 15,678 total views

 15,678 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »

PH JOB CRISIS

 50,852 total views

 50,852 total views Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho… Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig. Ang nakakadismaya

Read More »

WE CANNOT STOP, WE CANNOT GO BACK

 58,253 total views

 58,253 total views Kapanalig, nasaksihan natin bago at sa gitna ng CONCLAVE… hati ang maraming katoliko sa buong mundo, conservative ba o liberal ang mapipiling Santo

Read More »

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 59,254 total views

 59,254 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top