San Lazaro Hospital, bumaba ang leptospirosis admissions

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,699 total reads

Bumaba na ang bilang ng mga pasyenteng ina-admit sa San Lazaro Hospital dahil sa leptospirosis, ngunit patuloy na hinihikayat ng ospital ang publiko na agad magpakonsulta kapag nilagnat matapos lumusong sa baha.

Ayon kay Dr. David Suplico, OIC at Chief Medical Professional Staff II ng Medical Service ng San Lazaro Hospital, mula sa dating 30 hanggang 50 admission kada araw, apat na lamang ang bagong admission na naitala kamakailan.

“Bumababa po ang aming admission ng leptospirosis. Ang admission namin per day, minsan umaabot ng 50, 40, 30, pero yesterday, may apat na lang kaming na-admit.” Bahagi ng pahayag ni Suplico sa Radyo Veritas.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Suplico na mahalagang matukoy agad ang exposure sa baha dahil maaaring lumitaw ang sintomas ng leptospirosis dalawa hanggang 30 araw matapos malantad sa kontaminadong tubig, bagama’t kadalasan ay nasa loob ng dalawang linggo.

Pinakamaraming kaso ang nakita ng ospital kasunod ng pagbaha sa Metro Manila noong Agosto 17. Posible rin aniyang, magkaroon ng mga bagong kaso mula sa pagbaha noong Agosto 29 at 30.

Binigyang-diin ni Suplico na hindi lamang ang pagkakaroon ng leptospirosis ang kailangang maiwasan kundi ang paglala nito tungo sa severe leptospirosis.

Paliwanag ni Suplico, “Ang gusto namin na makuha is ‘yung mild to moderate form of leptospirosis. Ang leptospirosis, kung kayo po ay lumusong sa baha at nilagnat, most probably meron kayong leptospirosis. Ang pini-prevent namin, na ang leptospirosis niyo, mapunta siya sa severe form of leptospirosis.”

Ayon sa doktor, maaaring maapektuhan ng malubhang leptospirosis ang bato, atay at respiratory system, at maaari itong humantong sa multiple organ failure.

Sa ganitong kondisyon, maaaring mangailangan ng hemodialysis ang pasyente kapag naapektuhan ang bato, habang maaari namang makaranas ng paninilaw kapag apektado ang atay at matinding hirap sa paghinga kapag naapektuhan ang respiratory system.

Nagagamot naman ang leptospirosis sa pamamagitan ng antibiotics, ngunit pinaalalahanan ang publiko na huwag basta-basta uminom ng gamot nang walang payo at reseta mula sa health professional. Sa ilang malulubhang kaso, maaaring kailanganin ang intravenous antibiotics.

Patuloy din ang koordinasyon ng mga ospital at Department of Health upang matiyak ang sapat na suplay ng doxycycline, na ginagamit bilang prophylaxis o preventive medication para sa mga kwalipikadong exposed individuals.

Sa huli, malinaw ang paalala ng San Lazaro Hospital: huwag balewalain ang lagnat lalo na kung may kasaysayan ng paglusong sa baha.

Ayon pa kay Suplico, “Kung kayo po ay nilalagnat at lumusong kayo sa baha, most probably this is leptospirosis and you need to go to the hospital.”

Mahalaga ang maagap na pagpapatingin upang matukoy at magamot agad ang posibleng leptospirosis at maiwasan ang paglala nito.

Sa panahon ng baha at iba pang sakuna, ang maagap na pangangalaga sa kalusugan ay mahalagang bahagi ng pagpapahalaga sa dignidad at buhay ng bawat tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 37,279 total reads

 37,279 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 73,073 total reads

 73,073 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 299,343 total reads

 299,343 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 192,811 total reads

 192,811 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 284,843 total reads

 284,843 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top