Caritas Philippines, nanawagan sa Simbahan na ilipat ang puhunan mula sa mapanirang industriya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,169 total reads

Nanawagan ang Caritas Philippines sa mga institusyon ng Simbahang Katolika na ilipat ang kanilang mga pamumuhunan at financial resources palayo sa mga industriyang nagdudulot ng matinding pinsala sa kalikasan, bilang bahagi ng konkretong pagtugon sa lumalalang climate crisis.

Sa Pastoral Letter para sa 2026 Season of Creation, sinabi ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na kailangang makita ang pangangalaga sa kalikasan hindi lamang sa mga panawagan kundi maging sa paraan ng pamamahala ng Simbahan sa kanilang pondo, investments, paggamit ng enerhiya at pakikipag-ugnayan sa mga bangko at financial institutions.

“The ecological conversion we proclaim must become visible in the way our Church institutions consume energy, construct buildings, manage resources, and make investments, leading by example by embracing cleaner and less destructive sources of energy available to us – Divestment, ethical investment, and responsible financial stewardship are therefore not merely economic decisions, but are expressions of faith, integrity, and ecological conversion that ensure our financial choices reflect the values we proclaim,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Alminaza para sa Season of Creation.

Hinimok din ng Caritas Philippines ang mga Catholic institutions na suportahan ang malinis, renewable at sustainable energy gaya ng solar, wind at geothermal energy, pati iba pang angkop na renewable-energy systems.

Binigyang-diin ni Bishop Alminaza na kailangang maging makatarungan ang energy transition—may maaasahan at abot-kayang enerhiya para sa lahat, napoprotektahan ang mga manggagawa at komunidad, at hindi ipinapasa sa mga mahihirap ang malaking gastos sa paglipat sa malinis na enerhiya.

Ayon sa Caritas Philippines, mas lalong nararamdaman ng mga komunidad ang epekto ng climate crisis sa kanilang kabuhayan at ekonomiya, partikular ang mga mahihirap, magsasaka, mangingisda, Indigenous Peoples at manggagawa.

Kabilang sa mga epekto nito ang matinding tagtuyot, bagyo, pagbaha, landslide, matinding init at kakulangan sa tubig.

Muling tinutulan ng Caritas Philippines ang mapanirang large-scale commercial mining at hindi napapanatiling pagtotroso dahil sa pinsala ng mga ito sa kagubatan, watershed, biodiversity at mga komunidad.
Nanawagan din ito ng mas matibay na proteksyon sa natitirang kagubatan at iba pang mahahalagang ecosystem sa bansa.

Sa pastoral letter, iginiit ni Bishop Alminaza na dapat makita ang tinatawag na ecological conversion sa aktuwal na gawain ng mga institusyon ng Simbahan—mula sa paggamit ng enerhiya at pagtatayo ng mga gusali hanggang sa pamamahala ng resources at pagpili ng mga pamumuhunan.

Para sa Caritas Philippines, ang ethical investment, divestment at responsableng pangangasiwa ng pondo ay hindi lamang usapin sa pananalapi. Bahagi rin ito ng pananampalataya at pananagutan ng Simbahan sa pangangalaga sa sangnilikha.

Ang 2026 Season of Creation ay may temang Immersion in Living Water, na isinasalin naman ng Archdiocese of Manila bilang Tubig ng Buhay, Daluyan ng Biyaya.

Isinasagawa ang Season of Creation jmmula Setyembre 1 hanggang Oktubre 4, kapistahan ni San Francis9co ng Assisi, at pinalalawak hanggang Indigenous Peoples’ Sunday.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 36,935 total reads

 36,935 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 72,744 total reads

 72,744 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 299,014 total reads

 299,014 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 192,482 total reads

 192,482 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 284,536 total reads

 284,536 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top