Sapat na pahinga, mahalaga sa pangangalaga ng buhay at kabuhayan — Fr. Bellen

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,593 total reads

Binigyang-diin ni Radyo Veritas 846 President Fr. Roy Bellen ang kahalagahan ng sapat na pahinga bilang bahagi ng pangangalaga sa buhay, kalusugan at kabuhayan ng mga manggagawa at kanilang pamilya.

Sa kanyang pagninilay para sa Banal na Misa ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon, ipinaliwanag ni Fr. Bellen na ang konsepto ng Sabbath o araw ng pamamahinga ay hindi lamang tungkol sa pagsunod sa isang utos ng Simbahan, kundi isang paraan upang mapangalagaan ang buhay at kapakanan ng tao.

“Yan po talaga ang diwa ng batas. Hindi lang para sundin, para huwag kang mahuli. Ang diwa po ng batas ay para po ang buhay mapangalagaan. Yan po ang dahilan kung bakit po ang Diyos nagbigay ng sampung utos. Hindi lang para pag yan ay hindi ka sumunod, ikaw ay paparusahan ko,” ayon sa pagninilay ni Fr.Bellen.

Iniugnay rin ni Fr. Bellen ang kahalagahan ng pahinga sa mga gawain na maaaring makasama sa kalusugan at kabuhayan, gaya ng labis na pagpupuyat dahil sa mobile games, walang kontrol na panonood ng online content at higit sa lahat, online gambling.

Binigyang-diin niya na para sa mga naghahanapbuhay, ang tamang pagpapahinga ay hindi luho o simpleng pagpipilian lamang. Mahalaga itong bahagi ng pagpapanatili ng kalusugan at kakayahang magtrabaho upang patuloy na matugunan ang pangangailangan ng pamilya.

“Dagdag pa ng pari, “Ang Sabbath, ang araw ng pamahinga, ay para po pangalagaan ng buhay. Pag nagpapahinga ka, ito po ay pagpahayag ng iyong pananampalataya. Na ang lahat ng bagay ay hindi nakasalalay sa iyong kamay. Kung hindi ang lahat ng bagay nakasalalay sa kamay ng Diyos.”

Kaugnay nito, hinimok din ni Fr. Bellen ang publiko na pangalagaan ang kalikasan bilang bahagi ng mensahe ng Season of Creation.

Ayon sa pari, ang pagkasira ng kapaligiran ay may direktang epekto sa buhay at kabuhayan ng mga tao, lalo na sa mga komunidad na umaasa sa likas na yaman.

Binigyang-diin ni Fr. Bellen na ang tunay na pangangalaga sa buhay ay nangangailangan ng tamang balanse sa pagitan ng pagtatrabaho at pagpapahinga, pananampalataya at responsableng paggamit ng mga biyayang ipinagkakaloob ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 50,069 total reads

 50,069 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 146,848 total reads

 146,848 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,117 total reads

 191,117 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,226 total reads

 214,226 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 287,164 total reads

 287,164 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 28,405 total reads

 28,405 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top