Holy Cross Parish sa Krus na Ligas, ipagdiriwang ang ika-13 anibersaryo ng pagkakatalaga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,204 total reads

Ipagdiriwang ng Holy Cross Parish sa Krus na Ligas, Quezon City ang ika-13 anibersaryo ng pagkakatalaga ng kanilang simbahan sa Setyembre 13, kasabay ng paghahanda para sa Kapistahan ng Exaltation of the Holy Cross o Triumph of the Cross sa Setyembre 14.

Ayon kay Nikkie Francisco, Parish Pastoral Council Secretary ng Holy Cross Parish, isasagawa mula Setyembre 11 hanggang 13 ang Triduum bilang paghahanda sa pagdiriwang.

Kabilang dito ang commissioning ng mga liturgical ministers, gaya ng mga lektor, altar servers, greeters at collectors, extraordinary ministers of Holy Communion at music ministers na sumailalim sa kinakailangang formation.

Ipinaliwanag ni Francisco na mahalagang bahagi ng buhay-parokya ang pagkakatalaga ng simbahan dahil dito pormal na kinikilala at iniaalay ang lugar bilang isang sagradong pook para sa pagsamba.

Bahagi ng ritwal ng dedication ang pagpapahid ng Banal na Krismang Langis sa altar at mga haligi ng simbahan.

Sa panayam kay Francisco sa programang Barangay Simbayanan ng Radyo Veritas, binigyang-diin din niya ang makasaysayang pinagmulan ng Krus na Ligas, na naging kanlungan ng mga Katipunero at ni Andres Bonifacio.

Naging ganap na parokya ang Holy Cross Parish noong Pebrero 10, 1998, habang kinilala bilang simbahan noong 2013 sa panahon ni Father Ron Roberto.

Kaugnay ng anibersaryo, naghanda rin ang parokya ng iba’t ibang community activities, kabilang ang prusisyon sa mismong araw ng kapistahan, salu-salo ng mga parishioner at mga gawaing magbabalik-tanaw sa kasaysayan ng Krus na Ligas.

Patuloy din ang pakikibahagi ng Parish Youth Ministry sa mga programa ng parokya, vicariate at Diyosesis, kabilang ang mga youth activities at paghahanda para sa Marian Exhibit na magsisimula sa Setyembre 15 sa pangunguna ng Legion of Mary, katuwang ang Parish Youth Ministry.

Binigyang-diin ni Francisco na bagama’t maaaring ipagdiwang ang Banal na Misa sa mga kapilyang hindi pa naitalaga, mas nararapat para sa isang parokya na pormal na italaga ang simbahan bilang sagradong lugar.

Inaanyayahan naman niya ang mga mananampalataya mula sa Krus na Ligas at mga kalapit na lugar at parokya na makiisa sa Triduum mula Setyembre 11 hanggang 13 at sa Feast of the Exaltation of the Holy Cross sa Setyembre 14.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 38,841 total reads

 38,841 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 74,572 total reads

 74,572 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 300,842 total reads

 300,842 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 194,310 total reads

 194,310 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 286,255 total reads

 286,255 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top