Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 315,703 total reads

Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit?

Ang Pampanga ay ang pinakamatinding tinamaan ng habagat nitong mga nakaraang linggo. Ayon sa Pampanga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, umabot na sa 1.3 bilyong piso ang pinsala sa mga pananim, pangisdaan, makinarya, at pasilidad. Maraming pamilya ang naapektuhan ng baha at kinailangang harapin ang pagkawala ng kanilang kabuhayan at mga ari-arian.

Sa gitna ng ganitong sitwasyon, naging viral sa social media ang mga larawan ng mag-inang sina Pampanga Governor Lilia Pineda at Vice Governor Dennis Pineda habang bumibisita sa mga lugar na sinalanta ng baha. Napansin ng mga netizens ang mga mamahaling tatak ng kanilang mga suot. Isipin niyo, mas mahal pa ang mga ito kaysa sa kinikita ng isang minimum wage worker sa loob ng isang taon!

Para sa marami, hindi lamang ito usapin ng pananamit. Ito ay tungkol sa malaking agwat sa pagitan ng mga lider at ng mga taong kanilang pinaglilingkuran. Habang may mga pamilyang nawalan ng tahanan at naghahanap ng paraan para matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, ang pagbabalandra ng mamahaling kasuotan sa gitna ng paghihirap ng mga tao ay pagiging manhid.

Humingi ng paumanhin si Governor Lilia kaugnay ng mga kumalat na larawan at video. Ipinaliwanag niyang hindi naman nila sinasadyang magsuot ng ganoong mga damit. Sinabi rin niyang naging “wake-up call” ang mga ito sa kanya.

Pero kailangan pa ba talagang maging “wake-up call” ang ganitong insidente? Matapos ang mahigit isang dekada sa serbisyo-publiko, hindi ba dapat mas maging sensitibo na sila sa epekto ng pagpapakita ng karangyaan, lalo na sa panahon ng matinding krisis?

Sa ilalim ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees o Republic Act No. 6713, nakasaad na dapat mamuhay nang simple at naaayon sa kanilang posisyon at kita ang mga opisyal ng pamahalaan at kanilang pamilya. Hindi sila dapat magpakita ng kayamanan sa paraang maluho o labis.

Ang usapin, samakatuwid, ay hindi lamang kung magkano ang isang raincoat o handbag. Ang tanong ay kung ano ang ipinahihiwatig ng ganitong pagpapakita ng yaman, lalo na kapag ginagawa ito sa harap ng mga mamamayang dumaranas ng matinding hirap.

Mahalaga ring tingnan ang mas malawak na konteksto ng kapangyarihan at kayamanan. Ang mga Pineda ay parte ng isang political dynasty sa Pampanga. Mula 2010, nagsalit-salitan sina Lilia Pineda at ang kanyang anak na si Dennis Pineda sa pagka-gobernador. Ayon sa isang pag-aaral, maaaring gamitin ng mga political dynasties ang kanilang mga ugnayan at kapangyarihan upang mapanatili ang kanilang dominasyon sa ekonomiya at pulitika, pahinain ang kompetisyon, at bawasan ang pananagutan ng mga opisyal. Ito ang isa sa mga pinakamalaking hadlang sa tunay na demokrasya sa bansa.

Paalala sa atin ni Pope Leo XIV na hindi tayo tinatawag na maging “unengaged spectators” sa mga nangyayari sa ating paligid. Sa halip, kailangan nating makinig, maantig, at makilahok. Lalo itong mahalaga sa panahon ng sakuna, kung kailan kailangang maramdaman ng mga tao na hindi sila nag-iisa.

Mga Kapanalig, sa panahon ng kalamidad, hindi fashion show ang kailangan ng ating mga kababayan. Kailangan natin ng mga lider na ang paglilingkod ay nakikita sa kanilang mga ginagawa, lalo na sa panahon ng krisis. Kailangan natin ng mga lider na ang pamumuno ay nakikita sa gawa at tunay na nakatuon sa kapakanan ng publiko, at hindi sa pansarili o pampamilyang interes. Gaya ng paalala sa 1 Juan 3:18, “[H]uwag tayong magmahal sa pamamagitan ng salita lamang, kundi patunayan natin ito sa pamamagitan ng gawa.” 

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 6,810 total reads

 6,810 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 94,671 total reads

 94,671 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 141,412 total reads

 141,412 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 189,283 total reads

 189,283 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 293,047 total reads

 293,047 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 6,811 total reads

 6,811 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 94,672 total reads

 94,672 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 141,413 total reads

 141,413 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 189,284 total reads

 189,284 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top