Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 364,345 total reads

Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon.

Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides ang rumagasa sa border ng Nepal at Tibet. Nagdulot ito ng malawakang pagkawasak sa mga komunidad sa paligid ng mga magkarugtong na ilog. Habang sinusulat natin ang editoryal na ito, umabot na sa halos 600 ang nasawi, higit sa 2,400 ang nawawala, at nasa 10,000 na pamilya ang nawalan ng tirahan. Kasama sa mga nawawala ay isang kababayan natin.

Batay sa pagsusuri ng United States Geological Survey, isang glacial collapse sa Himalayas mountain range ang nagdulot ng avalanche o pagguho ng niyebe at bato na tumamâ sa ilog, na siya namang nagdulot ng malakas na pagyanig at mabilis na pagbaha ng tubig at putik. Sa madaling salita, ang pagguho ng isang napakalaking tipak ng yelo sa bulubundukin ang naging mitsa ng trahedya.

Pero ano ang nagdulot ng glacier collapse?

Pinag-aaralan pa ang direktang sanhi ng pagguho, pero maraming eksperto na ang iniuugnay ito sa climate change. Dahil sa mga aktibidad ng tao na nagbubuga ng greenhouse gases gaya ng pagsusunog ng petrolyo, nagkakaroon ng global warming o pag-init ng mundo na nagreresulta sa pagbabago ng klima. Nakikita natin ang epekto nito sa tumitinding bagyo sa Pilipinas, heatwaves sa Europe, forest fires sa North America, at pagkalusaw ng mga glaciers sa buong mundo.

Ayon sa World Bank, wala pang 1% ang kontribusyon ng Nepal sa kabuuang greenhouse gas emissions sa mundo, pero isa ito sa mga bansang pinakalantad sa mga panganib ng climate change. Patunay ang trahedyang nangyari sa Nepal ng kawalan ng katarungan sa usapin ng klima. Ang pinakamahihirap na bansa ang may pinakamaliit na ambag sa krisis sa klima, pero sila ang pinakanganganganib sa mga epekto nito. Samantala, yumayaman ang mga bansang ilang siglo nang nagsusunog ng likas na yaman na siyang sanhi ng pag-init ng mundo. Nasaan ang hustisya?

Sa Pilipinas, damang-dama rin natin ang inhustisyang ito. Sa katunayan, ang bansa natin ang pinakananganganib sa mga kalamidad na pinalalalâ ng climate change. Pero kung ang krisis sa klima ay dulot ng mga aktibidad ng tao, mahirap sabihing “natural” ang mga nangyayaring trahedya sa bansa gaya ng baha at landslide. Hindi natural ang mga ito, lalo na’t malawakan ang katiwalian sa ating pamahalaan, gaya ng nakikita natin sa mga maanomalyang flood control projects. Napupunta lang sa bulsa ng mga ganid na pulitiko, opisyal ng gobyerno, at negosyante ang pondong ginagamit dapat sa pagtugon sa mga nakaambang panganib at pagprotekta sa mga mamamayan. Patuloy na yumayaman ang mga gahaman samantalang pinapasan ng ordinaryong Pilipino ang pinsala ng mga kalamidad.

Gaya ng wika sa Catholic social teaching na Laudato Si’, dapat pakinggan natin ang sigaw ng mundo at ng mahihirap sa pagtugon sa mga krisis na kinahaharap natin. Nananawagan tayo sa international community na magtulungan para pigilan ang pagtindi ng climate change. Kailangan ang kooperasyon ng buong mundo sa pagpapababa ng greenhouse gas emissions at pagpapalakas ng disaster resilience, lalo na sa mga pinakabulnerableng bansa at sektor. Kailangang ding mag-step up, ‘ika nga, ng mayayamang bansa sa pagtugon sa climate crisis dahil sila naman ang may pinakamalaking ambag sa paglalâ nito. Dito nakaugat ang panawagan para sa tinatawag na climate justice.

Mga Kapanalig, nag-iisa lang ang ating mundo—ang ating “common home”—kaya dapat natin itong pangalagaan. Ipagdasal natin ang mga biktima ng trahedya sa Nepal. Higit pa rito, pairalin natin ang climate justice, gaya ng paalala sa Amos 5:24: “padaluyin [natin] ang katarungan, gaya ng isang ilog; gayundin ang katuwiran tulad ng isang di natutuyong batis.”

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paghilom ng ozone layer

 26,428 total reads

 26,428 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 70,743 total reads

 70,743 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 108,298 total reads

 108,298 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 215,177 total reads

 215,177 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 258,734 total reads

 258,734 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Paghilom ng ozone layer

 26,429 total reads

 26,429 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 70,744 total reads

 70,744 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 108,299 total reads

 108,299 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 215,178 total reads

 215,178 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »
Scroll to Top