Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 259,050 total reads

Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga, stranded ka pa rin sa kalsada?

Ganito ang sinapit ng maraming biyahero sa North Luzon Expressway nitong mga nakaraang linggo. Dahil sa matindi at tuluy-tuloy na pag-ulan dala ng habagat, umapaw ang mga ilog at nagdulot ng malawakang pagbaha. Kabilang dito ang bayan ng San Simon sa Pampanga, kung saan matatagpuan ang bahagi ng NLEx. Hindi tuloy makausad ang mga motorista at nagdulot ito ng halos sampung kilometrong haba ng trapiko sa magkabilang direksyon ng expressway.

Grabeng perwisyo ang idinulot nito sa parehong pribado at pampasaherong motorista! Inabot ng mahigit sampung oras ang ilang mga pampublikong bus papunta sa kani-kanilang mga destinasyon. Maging ilang opisyal ng pamahalaan gaya nina Senador Robin Padilla at Senador Lito Lapid ay hindi nakaligtas.

Hindi biro ang oras na nasayang. Oras sana ito para sa pamilya, pahinga, o trabaho. Hindi na ito maibabalik o mapapalitan. Hindi rin biro ang panganib sa kanilang mga sasakyan. Napilitan silang ilusong ang mga ito sa baha.

Dahil dito, hinimok ni Senador Joel Villanueva ang NLEx Corporation na pansamantalang alisin o ibalik ang toll fee na ibinayad ng mga motoristang lubhang naapektuhan ng pagbaha. Sinalungat naman ito ni Palace Press Officer Claire Castro na nagsabing baka lalo lamang dumami ang sasakyang papasok sa NLEx at lumala ang trapiko kapag libre ang toll.

Pero paano kung walang ibang ruta? Paano kung baha rin ang mga alternatibong daan? Paano kung sapat lamang ang perang pampagasolina para sa normal na tagal ng biyahe sa NLEx? Sa mahal ng gasolina ngayon, marami ang umaasa sa expressway para mapabilis ang kanilang biyahe at maiwasan ang dagdag na konsumo sa gasolina. Kaya gustuhin mang umiwas sa trapiko at baha, hindi kaya ng lahat na pumili ng ibang ruta.

Kalaunan, nagpatupad ang NLEX Corporation ng toll waiver sa pagitan ng Pulilan at San Fernando. Samantala, nagpatuloy ang pagbaha at trapiko hanggang Setyembre 3. Sa buong linggong iyon, may iilang lanes pa ring hindi madaanan dahil sa lalim ng baha at may mga oras pa na isinasara ang mga entry at exit points. Humingi ng paumanhin ang NLEx Corporation at nangakong gagawa ng mas pangmatagalang mga hakbang.

Pero huli na ang lahat para bumawi. Libu-libong tao na ang naperwisyo, ilang araw na ang nagdaan, at marami na ang nasayang bago pa maipatupad ang mga hakbang na ito. Nakalulungkot isiping tila kailangan pang umabot sa ganito bago magkaroon ng mas konkretong tugon. Hindi lang din NLEx Corporation ang may pananagutan sa mga naabala. May tungkulin din ang pamahalaan na magplano at maghanda para maiwasan ang ganitong mga problema. Dahil pinagdudugtong ng NLEx ang iba’t ibang lungsod at lalawigan, kailangang magkaagapay ang NLEx Corporation at pamahalaan sa pagbuo ng pangmatagalang solusyon. Magkaiba man ang kanilang papel, iisa ang dapat nilang isaalang-alang: ang kapakanan ng mga taong kanilang pinaglilingkuran.

Mga Kapanalig, ang solidarity o pakikiisa ay responsibilidad ng lahat, para sa lahat. Inaanyayahan tayo ng Galacia 6:2 na “makibahagi sa pasanin ng isa’t-isa.” Sa ganitong diwa, nararapat lamang na magtulungan ang NLEX Corporation at pamahalaan upang hindi ang ordinaryong mamamayan ang sumasalo sa bigat ng ganitong mga problema. Hindi biro ang presyo ng toll fees, pero kinakaya ito ng mga motoristang pinipiling dito dumaan kapalit ng mas mabilis, maayos, at ligtas na biyahe. Kaya bawat pisong ibinabayad dito ay nararapat na masuklian ng kaligtasan, maayos na serbisyo at operasyon, at higit sa lahat, agarang pananagutan at pagkilos—mula sa NLEX Corporation at sa pamahalaan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 20,263 total reads

 20,263 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 101,498 total reads

 101,498 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 134,947 total reads

 134,947 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 170,245 total reads

 170,245 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 396,119 total reads

 396,119 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 20,265 total reads

 20,265 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 101,500 total reads

 101,500 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 134,949 total reads

 134,949 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 170,247 total reads

 170,247 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top