Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,306 total reads

Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani. 

Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay sina Dimasalang, Agapito Bagumbayan, Dimas-ilaw, at Siling Labuyo. 

Teka, sinu-sino ang mga binanggit kong pangalan? 

Ang mga ito ay ang ginamit na alyas ng ating mga bayani noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Si Dimasalang ay si Dr Jose Rizal. Si Agapito Bagumbayan ay si Andres Bonifacio. Si Dimas-ilaw ay si Emilio Jacinto, habang si Siling Labuyo ay si Marcelo del Pilar.

Sa ika-19 na araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, ginamit ni Senator-judge Robin Padilla ang ilan sa mga alyas ng mga bayani para sabihing wala namang mali sa pagtatago sa likod ng gawa-gawang pangalan. Kaya bakit daw kinukuwestyon ang paggamit ng alyas ng mga tumanggap ng kabayaran mula sa Office of the Vice President? Bakit daw ginagawa pang katatawanan ang mga pangalang makikita sa mga acknowledgment receipts na isinumite ng OVP bilang patunay na may kinapuntahan ang confidential funds? Mukhang hindi na importante kay Senador Padilla na malaman pa kung totoong tao ba sina Mary Grace Piattos, Antonio Pagong, Shane Ngitngit, at Andy Lim?

Napakalinaw na magkaiba ang layunin ng ating mga bayani sa paggamit ng alyas at ng mga tumanggap umano ng confidential funds ng OVP. Noong nasa ilalim tayo ng pananakop ng España, ang mga bayani natin ay kinailangang gumamit ng alyas dahil lubhang mapanganib ang lantarang paglaban sa pamamahala ng mga dayuhan. Wala pang social media noon kaya mga alyas lamang ang magagamit nila para malayang makapagpahayag ng mga ideyang rebolusyonaryo nang hindi nalalagay sa alanganin ang kanilang sarili at pamilya. 

Sa kaso naman ng paggamit ng confidential funds, ang pagtatago sa mga alyas ay iniuugnay sa pag-uulat kung paano ginamit ang milyun-milyon pisong pera ng bayan. Hindi naman kailangang isapubliko kung sinu-sino talaga ang mga nakatanggap ng kabayaran mula sa OVP para sa sensitibong impormasyon, pero dapat pa ring may record na nakatago sa ligtas na lalagyan na susuriin naman ng Commission on Audit. 

Kung para sa pampublikong kaligtasan ang impormasyong kapalit ng pera, dapat iulat din ng OVP kung ano ang kinahinatnan ng paggamit ng confidential funds. Nakamit ba ang layunin? Nangyari ba ang pagbabagong inaasahan sa tulong ng ibinigay na imnpormasyon? Hindi naman siguro mahirap ipaliwanag ang pinaggamitan ng confidential funds kung nagamit ito sa tamang paraan. Abangan natin kung paano ipaliliwanag ng kampo ni VP Sara ang bagay na ito kapag pagkakataon na ng depensa na magharap ng ebidensya para pasinungalingan ang paratang na misuse of public funds na may kaugnayan sa impeachment article na graft and corruption at betrayal of public trust.

Ang pondo ng bayan ay ipinagkakatiwala sa mga lingkod-bayan para sa kabutihang panlahat (o common good). Kung may kinakailangang gawing kumpidensiyal—gaya ng pagkakakilanlan ng mga binayaran kapalit ng sensitibong impormasyon—hindi nito maaaring burahin ang pananagutan, katotohanan, at wastong pag-uulat sa paggamit ng pera ng mamamayan. Sa Roma 3:8, sinabi ni San Pablo na labag sa kalooban ng Diyos ang pangatwiranan ang paggawa ng mali o masama kung mabuti naman ang magiging bunga nito. Mas malaking problema kung wala namang maipakitang naging bunga ang pagtatago sa likod ng mga kakaibang alyas. 

Mga Kapanalig, ang ating mga bayani ay hindi gumamit ng mga alyas para makatanggap ng confidential funds. Buhay pa nga nila ang naging kapalit ng kanilang kagustuhang palayain ang ating bayan mula sa mapang-aping pamumuno ng mga dayuhan. Bayan, hindi bayad. Nakaiinsultong ihambing ang ating mga bayani sa mga taong nagiging instrumento ng katiwalian at umiiwas sa pananagutan.

Sumainyo ang katotohanan.

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 14,892 total reads

 14,892 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 1,307 total reads

 1,307 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 40,326 total reads

 40,326 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 58,533 total reads

 58,533 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 142,864 total reads

 142,864 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 180,192 total reads

 180,192 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SOP

 40,327 total reads

 40,327 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 58,534 total reads

 58,534 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 142,865 total reads

 142,865 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 180,193 total reads

 180,193 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »
Scroll to Top