Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 423 total reads

Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay nito ang pagtatapos ng 31st United Nations Climate Change Conference (o COP31) na naganap sa bansang Türkiye mula November 9 hanggang 20. Ang COP ay ang international climate summit na isinasagawa taun-taon para pag-usapan at isulong ang pangdaigdigang pagtutulungan para tugunan ang mga epekto ng climate change.

Habang nangyayari ang mga ito, damang-dama na sa bansa ang matinding epekto ng “very strong” El Niño. Nitong buwan, nagsuspinde ng klase sa mga paaralan sa Calabarzon, Western Visayas, at Negros Island Region dahil umabot na sa 42°C ang heat index doon. Nagdeklara na rin ng state of calamity sa Bohol dahil sa matinding El Niño na nakaapekto sa mahigit 18,000 na magsasaka at nakapinsala sa 7,400 ektaryang sakahan. Nagbahagi na rin ang DSWD ng emergency cash transfer assistance para sa mga magsasaka sa Cagayan Valley at Bicol Region.

Pero paglilinaw lang: ang El Niño at climate change ay dalawang magkaibang pangyayari sa klima. Ang El Niño ay natural na pagbabago sa klima kung saan tumataas nang higit sa normal ang temperatura ng tubig sa gitna at silangang bahagi ng Pacific Ocean. Ang climate change naman ay ang pangmatagalang pagbabago ng klima dulot ng global warming o pag-init ng mundo dahil sa pagdami ng greenhouse gases na karamihan ay mula sa mga gawain ng tao. Pareho itong maaaring magdulot ng matinding tagtuyot at banta sa seguridad sa pagkain, suplay ng tubig, kalusugan, kabuhayan, at kapaligiran. Wala pang sapat na ebidensyang nagpapatunay na nagiging mas madalas at matindi ang El Niño dahil sa climate change. Pero dahil pinatataas ng climate change ang pangkalahatang temperatura ng mundo, maaari nitong palalaín ang mga epekto ng El Niño.

At sino ang pinakaapektado at pinakabulnerable sa matinding pag-init ng mundo? Walang iba kundi ang mga maliliit na magsasaka, mangingisda, mga bata, mga katutubo, mahihirap na komunidad, at iba pang batayang sektor.

Kung sino pa ang may pinakamaliit na ambag sa pagbuga ng greenhouse gases na nagpapalalâ sa climate change, sila pa ang pinakanagdurusa sa mga epekto nito. Samantala, ang mga walang habas na umuubos at nagsusunog sa likas na yaman para sa sariling pagpapayaman, sila pa ang may pinakamalaking kakayahang protektahan ang sarili laban sa mga pinsalang dulot nito. Hindi ito makatarungan. 

Kaya naman, mahalaga ang sama-samang pagkilos laban sa climate change, mula sa maliliit na hakbang sa mga tahanan hanggang sa mas malaking pananagutang dapat pasanin ng mayayamang bansa at malalaking industriya. Kabilang dito ang paglipat mula maruming fossil fuels tungo sa malinis at likas-kayang renewable energy. Higit sa lahat, kailangang maging makatarungan ang paglipat na ito.

Sa kanyang mensahe para sa mga world leaders sa COP31, sinabi ni Bishop Gerardo Alminaza ng Diocese of San Carlos na ang energy transition ay usapin ng katarugan at moral na pananagutan. Binigyang-diin ng obispo na ang pagtanggol sa kalikasan at kapaligiran ay hindi maaaring ihiwalay sa kapakanan ng mga komunidad na nagdudusa sa epekto ng mapaminsalang mga patakaran sa enerhiya. Dagdag pa niya, walang komunidad ang maaaring iwanang magdusa sa ilalim ng sistema ng enerhiya na inuuna ang profit o kitâ bago ang mga tao at ang ating mundo—ang ating common home, ang nag-iisa nating tahanan.

Mga Kapanalig, alalahanin natin ang tanong sa Jeremias 12:4, “Hanggang kailan pa mananatiling tigang ang lupain, at tuyot ang mga damo sa parang?” Huwag nating hintaying tuluyang matuyo ang ating mga lupain at maubos ang ating likas na yaman bago natin seryosohin ang pagkilos laban sa climate change.

Sumainyo ang katotohanan.

 

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 61,375 total reads

 61,375 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 424 total reads

 424 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 116,607 total reads

 116,607 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 237,187 total reads

 237,187 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 287,512 total reads

 287,512 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi krimen ang magprotesta

 116,608 total reads

 116,608 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 237,188 total reads

 237,188 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 287,513 total reads

 287,513 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »
Scroll to Top