Transparency, panawagan ng Prelatura ng Infanta sa P1-bilyong drone port sa Aurora

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,812 total reads

Nanawagan ang Prelatura ng Infanta sa pamahalaan at mga pribadong kompanya na tiyakin ang transparency, konsultasyon sa mga komunidad at pangangalaga sa kalikasan bago ituloy ang panukalang P1.26-bilyong drone port sa Casiguran, Aurora.

Sa pahayag pastoral na inilabas noong Nobyembre 18, nagpahayag ng pagkabahala si Infanta Bishop Dave Capucao sa posibleng epekto ng proyekto ng Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority o APECO at Anglicotech Philippines Inc. sa seguridad, kapayapaan at kabuhayan ng mga residente.

“Bilang Simbahang naninindigan para sa dignidad ng tao, katarungan, kapayapaan, at pangangalaga sa ating iisang tahanan, naniniwala kami na ang tunay na kaunlaran ay hindi nasusukat lamang sa laki ng puhunan, makabagong teknolohiya, o kita. Dapat itong masukat sa kabutihang naidudulot nito sa mamamayan at sa pangangalaga sa kinabukasan ng susunod na salinlahi,” ayon sa pastoral letter ni Bishop Capucao.

Ayon sa obispo, bagama’t maaaring gamitin ang drone technology sa paghahanap at pagsagip, pagtugon sa kalamidad at kaligtasang pandagat, maaari rin itong gamitin sa mga operasyong militar kaya kailangang suriing mabuti ang mga implikasyon nito.

Ayon pa sa pahayag, “Subalit ang tunay na seguridad ay hindi lamang tungkol sa depensa ng teritoryo. Kabilang dito ang seguridad sa pagkain, kabuhayan, kultura, kalikasan, at buhay ng bawat mamamayan. Dapat magkaroon ng malinaw na pamantayang moral at mahigpit na pananagutan sa paggamit ng drone technology upang maiwasan ang anumang pang-aabuso o maling paggamit nito.”

Hiniling ng prelatura na ihayag sa publiko ang tunay na layunin, pondo, pagmamay-ari at mga posibleng gamit ng pasilidad, kabilang ang anumang partisipasyon ng mga dayuhang pamahalaan o institusyong militar.

Iginiit din ng obispo na dapat magkaroon ng makabuluhang konsultasyon sa mga residente, lalo na sa mga katutubo, magsasaka at mangingisda na posibleng maapektuhan ng proyekto.

Kabilang pa sa mga dapat tiyakin ang malayang pagsusuri sa epekto nito sa kapaligiran, paggalang sa karapatang pantao at pagbibigay ng pangmatagalang pakinabang sa lokal na komunidad.

Binigyang-diin ni Bishop Capucao na hindi tutol ang Simbahan sa makabagong teknolohiya at pamumuhunan, ngunit hindi dapat maisakripisyo ang dignidad ng tao, karapatan ng mga mamamayan at kapayapaan para lamang sa interes pang-ekonomiya o militar.

Nilinaw din ng prelatura na ang nilagdaang Memorandum of Understanding o MOU ay kasunduan pa lamang upang pag-aralan ang panukalang proyekto at hindi nangangahulugang maaari na itong ipatupad nang walang kinakailangang konsultasyon, pagsusuri at mga pahintulot sa ilalim ng batas.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 7,370 total reads

 7,370 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 13,415 total reads

 13,415 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 129,193 total reads

 129,193 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 249,773 total reads

 249,773 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 299,371 total reads

 299,371 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 67,123 total reads

 67,123 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »
Scroll to Top