Birhen ng Antipolo, Ina at gabay ng mga Pilipinong naglalakbay sa buhay – Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 373 total reads

Binigyang-diin ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na hindi lamang dapat ituring na patutunguhan ng mga manlalakbay-pananampalataya ang Mahal na Birhen ng Antipolo, kundi isang ina na kasama ng mga Pilipino sa kanilang paglalakbay sa buhay, lalo na sa gitna ng mga pagsubok, pangamba at paghahanapbuhay.

Sa kanyang homiliya sa pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng canonical coronation ng imahen ng Our Lady of Peace and Good Voyage, sinabi ni Cardinal Advincula na ang buong buhay ni Maria ay isang paglalakbay ng pananampalataya, paglilingkod at pagtitiwala sa Diyos.

Ayon sa kardinal, hindi lamang nanatili si Maria sa Nazareth matapos malaman na siya ang magiging ina ng Anak ng Diyos. Agad siyang naglakbay upang tulungan ang kanyang pinsang si Elizabeth na nangangailangan ng kalinga.

Naranasan din ni Maria ang hirap ng paglalakbay patungong Bethlehem, ang pagiging refugee nang tumakas sila patungong Egypt upang iligtas si Hesus, at ang matinding sakit nang samahan niya ang kanyang Anak hanggang sa krus sa Kalbaryo.

“Mary’s entire life was a pilgrimage of faith. Mary set out because she trusted God. She continued because her faith was stronger than her fear,” ayon sa homiliya ni Cardinal Advincula.

Binigyang-diin din niya na malalim ang kaugnayan ng karanasan ni Maria sa buhay ng mga Pilipino, na patuloy na naglalakbay sa iba’t ibang bansa at lugar upang maghanapbuhay at mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang kanilang pamilya.

Kabilang dito ang milyun-milyong Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa, malayo sa kanilang mga mahal sa buhay, gayundin ang mga lumilipat mula sa mga lalawigan patungo sa mga lungsod upang humanap ng trabaho at marangal na pamumuhay.

“Bawat Pilipino at bawat tao ay naglalakbay kasi naghahanap-buhay,” ayon pa sa kardinal.

Paliwanag ng arsobispo ng Maynila na higit pa sa paghahanap ng kabuhayan ang kahulugan ng paghahanapbuhay dahil sa huli, ang tunay na hinahanap ng bawat tao ay buhay na nagmumula kay Hesukristo.

Binanggit din ni Cardinal Advincula ang titulong Solacium Migrantium o Comfort of Migrants na idinagdag ni yumaong Pope Francis sa Litany of Loreto bilang pagkilala kay Maria na nakauunawa sa pangamba, kawalang-katiyakan at pangungulila ng mga taong malayo sa kanilang tahanan.

Samantala, inilarawan din ng kardinal si Maria bilang ina ng Simbahang naglalakbay kasama ang sambayanan o synodal Church.

Aniya, hindi dapat manatiling nakatuon ang Simbahan sa mga nakasanayang gawain at estruktura nito. Sa halip, dapat itong patuloy na lumabas, makinig, kumilatis, umalalay at makiisa sa paglalakbay ng mga tao tungo sa kalooban ng Diyos.

Ipinaliwanag niyang hindi lamang pansarili ang mga paglalakbay ni Maria dahil palagi itong nakaugnay sa pangangailangan ng iba at sa misyon ng kanyang Anak.

Sa pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng canonical coronation, sinabi ni Cardinal Advincula na sumasagisag ang korona ni Maria sa katuparan ng kanyang paglalakbay sa pananampalataya.

Paalala nito na ang huling hantungan ng paglalakbay ng tao ay hindi pagdurusa, pagkatapon o kamatayan, kundi ang kaluwalhatian at pakikiisa sa Diyos.

Matatandaang ipinagdiriwang ngayong taon ang ika-400 anibersaryo ng pagdating sa Pilipinas ng imahen ng Our Lady of Antipolo, na kilala rin bilang Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay.

Ayon kay Cardijnal Advincula, hindi lamang tagapagtanggol ng mga naglalakbay sa karagatan ang Mahal na Birhen, kundi isang ina na patuloy na gumagabay at sumasama sa sambayanan sa kanilang paglalakbay sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 71,005 total reads

 71,005 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 210,997 total reads

 210,997 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 326,773 total reads

 326,773 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 444,694 total reads

 444,694 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 93,436 total reads

 93,436 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »
Scroll to Top