358 total reads
Hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga deboto ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje na hindi lamang tumanggap ng mga biyaya kundi maging pagpapala rin sa kapwa sa pamamagitan ng paglilingkod at pagpapalaganap ng pananampalataya.
Ito ang mensahe ng obispo sa Welcome Mass para sa pagdating ng imahen ng Birhen ng Antipolo sa Manila Cathedral sa Intramuros noong November 26.
“This is why every authentic Marian devotion deepens our relationship with Christ. If we welcome Mary but fail to welcome Jesus, then we have missed the deeper meaning of her visit. The most beautiful welcome we can offer Our Lady today is not found merely in flowers, songs, processions, or ceremonies. The most beautiful welcome we can offer is a heart open to Christ, a heart willing to trust Him, follow Him, and allow Him to transform our lives. When we truly welcome Mary, she does what she has always done,” ayon sa mensahe at pagninilay na pinadala ni Bishop SAntos sa Radyo Veritas.
Binigyang-diin ni Bishop Santos ang tatlong paanyaya sa pagdating ng Mahal na Birhen: pagtanggap kay Maria, pag-asa kay Hesus at paglalakbay bilang mga alagad.
Inihayag ng Obispo na ang tunay na debosyon kay Maria ay dapat magpalalim sa ugnayan ng bawat isa kay Kristo, na palagi nitong itinuturo sa mga mananampalataya.
Hinimok din niya ang mga deboto na manatiling matatag sa pananampalataya sa kabila ng mga pagsubok, dahil ang tunay na pag-asa ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng paghihirap kundi pagtitiwala na hindi iniiwan ng Diyos ang Kanyang bayan.
““Every devotee of Our Lady is called to become a missionary disciple. We are called not only to receive blessings but also to become blessings for others. We are called not only to pray but also to serve. We are called not only to admire Mary but also to imitate her faith, humility, generosity, and trust in God. The pilgrimage of the Our Lady of Peace and Good Voyage from Antipolo to Manila should not end with this celebration,” ayon sa mensahe ni Bishop Santos.
Binigyang-diin pa ng Obispo na ang bawat deboto ay tinatawag na maging misyonerong alagad na hindi lamang nananalangin kundi naglilingkod at nagdadala ng presensiya ni Kristo sa kanilang tahanan, trabaho, paaralan, parokya at komunidad.




