Pamunuan ng Baclaran Church, nilinaw na walang nangyaring barilan sa simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,267 total reads

Nilinaw ng pamunuan ng National Shrine of Our Mother of Perpetual Help o Baclaran Church na walang nangyaring barilan sa loob ng compound ng dambana matapos ang insidenteng kinasangkutan ng isang lalaking nakainom at may dalang baril noong hapon ng August 30, 2026.

Ayon kay Fr. Rico John Bilangel, C.Ss.R., rector ng Baclaran Church, nangyari ang kaguluhan sa pagitan alas-4:45 hanggang alas-5:00 ng hapon.

“Mahalagang linawin na walang naganap na barilan sa simbahan,” pahayag ni Fr. Bilangel.
Sinabi ng pari na agad na rumesponde ang mga security personnel ng simbahan at mga awtoridad at kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang naturang indibidwal.

“Mabilis na nakapagresponde ang ating security personnel at ang mga awtoridad,” ani Fr. Bilangel.

Ibinahagi pa ng pari na dalawang indibidwal ang nagtamo ng minor injuries sa insidente at agad nilapatan ng paunang lunas.

Nanawagan din ang Baclaran Church sa publiko na huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon upang maiwasan ang kalituhan at pangamba sa publiko.

Sa kabila nito, iginiit ng pamunuan ng Baclaran Church ang patuloy na paghihigpit at pagbibigay-prayoridad sa kaligtasan, kaayusan at seguridad ng mga deboto at mananampalatayang dumadalaw sa dambana.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 72,097 total reads

 72,097 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 107,323 total reads

 107,323 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 142,623 total reads

 142,623 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 368,892 total reads

 368,892 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 258,326 total reads

 258,326 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top