Mabilis na paglipat sa renewable energy mula sa fossil fuels, panawagan ng Obispo sa COP31

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,841 total reads

Nanawagan si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, pangulo ng Caritas Philippines sa mga lider ng iba’t ibang bansa na pabilisin ang makatarungang paglipat mula sa fossil fuels patungo sa renewable energy at ihinto ang mga bagong oil at gas exploration sa mga lugar na mayaman sa biodiversity at sensitibo sa ekolohiya.

Sa kanyang mensahe sa 31st United Nations Climate Change Conference (COP31) sa Antalya, Türkiye, binigyang-diin ni Bishop Alminaza na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace, na magkaugnay ang krisis sa klima, pagkawala ng biodiversity, at paghihirap ng mga komunidad na umaasa sa kalikasan.

Ayon kay Bishop Alminaza nagdudulot ng matinding panganib sa coral reefs, yamang-dagat, at mga coastal ecosystems ang paggamit ng fossil fuels at offshore exploration dahil sa polusyon, ingay sa ilalim ng dagat, pagkasira ng mga tirahan ng lamang-dagat, at posibilidad ng mapaminsalang oil spill.

“Transitioning away from fossil fuels is therefore essential, not only to address the climate crisis, but also to protect biodiversity. We cannot claim to protect creation while allowing fossil fuel expansion into its most fragile ecosystems,” Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza sa Radyo Veritas.
Bilang halimbawa, partikular na binanggit ng Obispo ang sitwasyon sa Palawan, kung saan ilang dekada nang kumukuha ng fossil gas mula sa karagatan ngunit patuloy pa ring nahaharap ang lalawigan sa mataas na halaga ng kuryente.

“The plight of Palawan makes us ask: what kind of development puts at risk the very ecosystems that sustain life?” Dagdag pa ng Bishop Alminaza.

Aniya, para sa mga mangingisda at katutubo, ang dagat ay hindi lamang likas na yaman kundi pinagmumulan ng pagkain, kabuhayan, at pamanang pangkultura.

“Yet they are often expected to bear environmental risks in the guise of development without receiving its promised benefits,” Ayon pa kay Bishop Alminaza.

Dahil dito, iginiit ni Bishop Alminaza ang pangangailangang suriin kung sino ang tunay na nakikinabang sa mga proyektong pangkaunlaran at kung sino ang nagdadala ng kanilang mga epekto.
“Who benefits from the development? Who bears its burdens? And who will answer when the damage becomes irreversible?” Ani Bishop Alminaza.

Binigyang-diin din ni Bishop Alminaza na ang mga Simbahan sa Global South ay direktang naglilingkod sa mga komunidad na nakararanas na ng epekto ng climate crisis, kabilang ang mga magsasakang dumaranas ng tagtuyot, pamilyang mangingisda na kumokonti ang huli, mga katutubong nagtatanggol sa kanilang lupang ninuno, at mga pamilyang napipilitang lumikas dahil sa mga sakuna.

Ayon sa Obispo, hindi dapat ang mga bansa sa Global South ang patuloy na magdala ng bigat ng mga desisyong ginagawa sa ibang bahagi ng mundo.

Kaugnay nito muli ring iginiit ng mga Catholic Bishops mula sa Global South ang panawagan para sa isang makatarungang energy transition na nangangahulugan ng tiyak na paglayo sa coal, oil at fossil gas, kasabay ng pamumuhunan sa renewable energy na nagsisilbi sa mga komunidad, nagpoprotekta sa kabuhayan at gumagalang sa dignidad ng tao.

“We therefore reiterate the call of Catholic bishops from the Global South to accelerate a just energy transition. That means moving—this means moving decisively away from coal, oil, fossil gas while investing in transformative renewable energy that serves communities, protects livelihoods, and respects human dignity.” Pagbabahagi ni Bishop Alminaza.

Hinimok din ni Bishop Alminaza ang mga opisyal ng iba’t ibang bansa na pabilisin ang paglipat mula sa fossil fuels, ihinto ang mga bagong oil at gas exploration sa mga lugar na mayaman sa biodiversity at tiyakin ang karapatan at makabuluhang pakikilahok ng mga apektadong komunidad sa mga pagpapasyang may direktang epekto sa kanilang buhay.

Partikular na hinamon ng Obispo ang Australia, kasama ang Türkiye, na panindigan ang kanilang pangakong gawing sentro ng COP31 ang pangangalaga sa karagatan kung saan partikular na kinuwestiyon ni Bishop Alminaza ang partisipasyon ng mga kompanyang mula sa mga bansang ito sa mga gawaing maaaring sumira sa Palawan, na tinukoy niyang isa sa mga natitirang ecological frontier ng bansa.
Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, ipinaalala ni Alminaza ang tatlong tinig na madalas na hindi nabibigyan ng sapat na puwang sa mga negosasyong pangklima: ang mahihirap, ang ating iisang tahanan na kalikasan, at ang susunod na henerasyon.

“We cannot save the climate while destroying biodiversity. A just energy transition must protect both people and creation. Palawan and the Coral Triangle must not become sacrifice zones for another generation of fossil fuel development,” Mariin pang pahayag ni Bishop Alminaza.

Matatandaang nasasaad sa encyclical ni Pope Francis sa Laudato Si’ na magkakaugnay ang lahat ng nilikha at hindi maaaring paghiwalayin ang daing ng kalikasan at daing ng mahihirap, kung saan ang tunay na makatarungang pag-unlad ay hindi dapat isakripisyo ang buhay, kabuhayan at dignidad ng mga komunidad, kundi pangalagaan ang sangnilikha at tiyakin ang isang ligtas at makatarungang kinabukasan para sa susunod na salinlahi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 103,011 total reads

 103,011 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 188,392 total reads

 188,392 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 252,231 total reads

 252,231 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 332,608 total reads

 332,608 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 410,846 total reads

 410,846 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top