Pilipinas, dehado sa malayang kalakalan at pagbubukas ng ekonomiya sa dayuhang pamumuhunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 263 total reads

Iginiit ng IBON Foundation na hindi sapat ang mga kasunduan sa malayang kalakalan at pagbubukas ng ekonomiya sa dayuhang pamumuhunan upang makinabang ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), kung hindi naman pinatitibay ng pamahalaan ang lokal na agrikultura at industriya.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Sonny Africa, executive director ng IBON Foundation, na matagal nang problema ng ASEAN ang pagbibigay-prayoridad sa pagbubukas ng mga ekonomiya sa dayuhang kapital at kalakal, sa halip na palakasin ang sariling kakayahan ng mga kasaping bansa na magprodyus.

Ayon kay Africa, dehado ang Pilipinas kumpara sa Vietnam, Malaysia, Thailand at Indonesia dahil kulang ang suporta sa lokal na produksyon at nananatiling nakasandig ang ekonomiya sa pag-aangkat at pagluluwas ng lakas-paggawa, kung saan lumaki man nang 20 beses ang exports ng Pilipinas sa ASEAN mula dekada 1990, mahigit 30 beses naman ang itinaas ng imports at 50 beses ang trade deficit.

“Kung hindi production-oriented ‘yung Pilipinas, magiging import-dependent tayo,” Bahagi ng pahayag ni Africa sa Radyo Veritas.

Kinuwestiyon din ni Africa ang sinasabing benepisyo ng inaasahang kasunduang pangkalakalan ng Pilipinas at Estados Unidos, matapos ipahayag ni US President Donald Trump ang pagkakaroon ng isang malaking trade deal.

Ayon kay Africa, posibleng kabilang sa mga kundisyon nito ang pagpapalawak ng pag-aangkat ng produktong agrikultural at enerhiya mula sa Amerika, na lalo pang magpapataas sa pagdepende ng bansa sa Estados Unidos.

“Ang kasunduan na ‘yan, it sounds positive kasi ‘free.’ Pero ‘yung reality, papapaliitin ‘yung dependence natin sa US sa agricultural products, at ngayon, sa enerhiya,” Dagdag pa ni Africa.

Binigyang diin din ng IBON Foundation na hindi dapat basta pagkatiwalaan ang mga pahayag ng pamahalaan tungkol sa negosasyon sa US, partikular sa ilalim ng Pax Silica framework.

Bagama’t hindi pa umano natutuloy ang pagpirma sa ilang kasunduan dahil sa pagtutol ng publiko, sinabi ni Africa na nagpapatuloy pa rin ang negosasyon at kailangang bantayan ng mamamayan ang mga posibleng kondisyong ibibigay ng bansa sa mga dayuhang mamumuhunan.

“Tagumpay actually ‘yung pagharang natin sa pagpirma ngayon kasi ibig sabihin, kung mag-iingay tayo, maoobliga ‘yung gobyerno na, ‘Ayo, ‘yan na, makinig,’” Ani Africa.

Idinagdag ni Africa na mahalagang suriin ang aktuwal na resulta ng mga kasunduan sa halip na umasa sa magagandang pahayag tungkol sa integrasyon, kooperasyon at paglago ng ekonomiya.

Binigyang-diin niyang dapat unahin ng pamahalaan ang paglikha ng mga industriyang pag-aari at pinatatakbo ng mga Pilipino, na makapagbibigay ng trabaho at kita sa mga mamamayan.

“Ang pinakamahalaga, ‘yung pagsuporta sa lokal na agrikultura at Pilipino’ng industriya. Kung nandiyan ‘yan, ano mang kasunduan na pasukan natin, makikinabang tayo. Kung wala ‘yan, dehado tayo,” Ayon pa kay Africa.

Ipinaliwanag ni Africa na dapat magkaroon ang Pilipinas ng pangmatagalang estratehiya sa agrikultura at pagmamanupaktura, sa halip na umasa lamang sa dayuhang kompanyang nagtatayo ng planta sa bansa.

Sa pananaw ng Simbahan, ang tunay na kaunlaran ay hindi nasusukat lamang sa dami ng kasunduang pangkalakalan o dayuhang pamumuhunan, kundi sa kung paano nito napauunlad ang kabuhayan, napoprotektahan ang dignidad ng mga manggagawa at napaglilingkuran ang kabutihang panlahat, kaya’t nararapat lamang na ang mga patakarang pang-ekonomiya ay magbigay-prayoridad sa lokal na produksyon at sa kapakanan ng mga Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 97,384 total reads

 97,384 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 182,767 total reads

 182,767 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 246,606 total reads

 246,606 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 326,983 total reads

 326,983 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 405,491 total reads

 405,491 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top