Animal Kingdom Foundation, nanawagan ng mas mahigpit na regulasyon sa pet cremation services

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,719 total reads

Nanawagan ang Animal Kingdom Foundation (AKF) para sa mas malinaw at komprehensibong regulasyon sa mga serbisyo ng pet cremation sa bansa upang maprotektahan ang mga pet owner laban sa posibleng panloloko at hindi pagtupad sa ipinangakong serbisyo.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas ng Radyo Veritas, sinabi ni AKF President and Program Director Atty. Heidi Caguioa na wala pang iisang batas na partikular na nagre-regulate at nagmo-monitor sa operasyon ng mga pasilidad na nagsasagawa ng pet cremation.

Dahil dito, iba’t ibang batas ang maaaring maging batayan ng pananagutan ng mga pasilidad na mapatutunayang lumabag sa kanilang mga obligasyon.

“Medyo fragmented po ang ating batas dito. Wala po tayong iisang batas na nagre-regulate o nagmo-monitor ng mga pet cremation services,” ani Caguioa.

Ipinaliwanag niya na maaaring magsampa ng kasong estafa ang mga pet owner laban sa mga pasilidad na nanloko o hindi tumupad sa mga serbisyong ipinangako sa kanilang mga kliyente.

Maaari ring managot ang mga pasilidad at may-ari nito sa ilalim ng Sanitation Code, Ecological Solid Waste Management Act, Consumer Act of the Philippines at mga lokal na ordinansa, depende sa uri ng paglabag.

“Kung sila ay nagkaroon ng misrepresentation sa kanilang mga kliyente at hindi nila tinupad ‘yung kanilang mga pinangakong services nila, ay puwede pong sumaklaw po ang kanilang liability dito,” paliwanag ni Caguioa.

Ayon pa sa opisyal, maaari ring ipasara ng lokal na pamahalaan ang mga pasilidad na lumalabag sa mga umiiral na regulasyon at ordinansa.

Kabilang dito ang isang pet services facility sa Bacoor, Cavite na sinuspinde na ng lokal na pamahalaan habang iniimbestigahan din ang iba pang posibleng paglabag ng mga pet cremation service provider.

“At ngayon po, nakasara na po ‘yun, ano, at sinuspinde din po ng local government ng Bacoor, Cavite po ‘yung pet services na ‘yan,” dagdag ni Caguioa.

Samantala, binigyang-diin ni Caguioa na hindi lamang mga alagang hayop ang saklaw ng animal welfare kundi pati ang wildlife at mga hayop na inaalagaan sa mga bukid. Lahat ng ito ay dapat makatanggap ng wastong pangangalaga at makataong pagtrato.

Kabilang sa mga pangunahing prinsipyo ng animal welfare ang pagbibigay ng sapat na pagkain at malinis na tubig, maayos na tirahan at sapat na espasyo, gayundin ang pagpapatingin sa beterinaryo kapag may sakit ang hayop.

Binigyang-pansin din ng AKF ang paglaganap ng ilegal na bentahan at pagmamay-ari ng wildlife. Hinimok nito ang publiko na tiyaking may kaukulang permit mula sa Department of Environment and Natural Resources o DENR ang sinumang nag-aalaga ng mga ligaw na hayop.

Ayon kay Caguioa, nagiging madali na para sa ilang tao ang pagkuha at pag-aalaga ng wildlife nang walang pahintulot dahil sa malayang bentahan ng mga ito.

Maaari ring magdulot ng panganib sa kapaligiran at mga kalapit na komunidad ang hindi awtorisadong pag-aalaga ng wildlife, lalo na kung makatakas ang mga hayop.

Sa pananaw ng Simbahan, ang makataong pagtrato sa mga hayop at pangangalaga sa kalikasan ay bahagi ng pananagutan ng tao bilang tagapangalaga ng sangnilikha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 81,294 total reads

 81,294 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 126,963 total reads

 126,963 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 176,716 total reads

 176,716 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 335,916 total reads

 335,916 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 359,320 total reads

 359,320 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

UNDAS 2026, generally peaceful

 44,064 total reads

 44,064 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »
Scroll to Top