4,749 total reads
Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga pinuno ng bansa na tularan si Hesukristo bilang Mabuting Pastol na inuuna ang kapakanan ng mga taong kanyang pinaglilingkuran.
Ayon sa arsobispo, hindi nasusukat ang pagiging mabuting lider sa kapangyarihan o kasikatan, kundi sa kahandaang magsakripisyo para sa bayan.
Binigyang-diin ni Archbishop Uy na ang posisyon sa pamahalaan ay hindi pribilehiyo kundi isang tungkuling dapat gampanan nang tapat.
“The good shepherd lays down his life. That is the heart of public service. Public office is not a privilege to enjoy. It is a responsibility to carry,” ayon kay Archbishop Uy.
Hinimok din niya ang mga opisyal na pakinggan at paglingkuran ang lahat, lalo na ang mahihirap, magsasaka, mangingisda, manggagawa at mga kabataang naghahanap ng trabaho.
Sinabi rin ng arsobispo na matapos ang halalan, dapat nang paglingkuran ng mga nahalal ang lahat ng mamamayan, kahit ang mga hindi bumoto sa kanila.
Panalangin pa ng arsobispo, “May God give our country leaders with the heart of the Good Shepherd—leaders who love the people more than power, truth more than popularity, and service more than position. And may every public servant be able to say before God: “Lord, the people You entrusted to me—I tried my best to serve them well.”
Umaasa si Archbishop Uy na magkakaroon ang bansa ng mga pinunong inuuna ang serbisyo sa bayan kaysa sariling interes at kapangyarihan.




