Ipanalangin ang Pilipinas, paanyaya ni Archbishop Valles sa mga pari at layko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 45,740 total reads

Hinimok ni Davao Archbishop Romulo Valles ang mga pari at layko na ipanalangin ang Pilipinas at ang buong mundo, kasabay ng pagdiriwang ng Christ the King Sunday sa Nobyembre 22.

Sa isang pastoral circular, hiniling ni Archbishop Valles na maging pangunahing layunin ng mga misa at iba pang gawaing pastoral ang pagsusulong ng mga pagpapahalaga ng paghahari ni Hesukristo—katotohanan, buhay, kabanalan, biyaya, katarungan, pag-ibig at kapayapaan.

“Let us pray for our country and for the whole world, that we may become “a kingdom of truth and life, a kingdom of holiness and grace, and a kingdom of justice, love, and peace,” ayon kay Archbishop Valles.

Ayon sa arsobispo, nahaharap ang bansa at ang buong mundo sa mabibigat na hamon at banta na taliwas sa mga pagpapahalagang ito. Dahil dito, mahalagang muling pagtibayin ng Simbahan ang pangakong isabuhay at itaguyod ang mga ito sa pamilya, komunidad at lipunan.

Dagdag pa ni Archbishop Valles, ”We are all aware that our country and the world are facing very serious challenges and threats that run contrary to the values of the Kingdom of Christ, our King. These realities call us as Church to renew our commitment to upload and promote the values of His Kingdom in our personal lives, in our communities, and in our society.”

Hinimok din ni Archbishop Valles ang mga pari at laykong lider na bigyang-diin ang panawagang ito sa kanilang mga gawain, kabilang ang mga panalangin ng bayan, homiliya, prusisyon at banal na oras ng pananalangin.

Maaari rin itong isama sa mga pambungad na mensahe bago ang misa at sa mga materyales na gagamitin sa pagdiriwang sa mga parokya at pampublikong kapilya.

Ipinaalala ng arsobispo na ang mga pagpapahalagang ito ay nakaugat mismo sa liturhiya ng kapistahan ni Kristong Hari, at hindi isang bagong panawagan ng Simbahan.

Ipinagdiriwang ang Christ the King Sunday tuwing huling Linggo ng Taon Liturgical ng Simbahang Katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 60,100 total reads

 60,100 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 143,126 total reads

 143,126 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 237,458 total reads

 237,458 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 299,143 total reads

 299,143 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 342,101 total reads

 342,101 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top