Pope Leo XIV, hinimok ang mga katoliko na gamitin ang yaman sa pagtulong sa mahihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,696 total reads

Hinimok ni Pope Leo XIV ang mga Katoliko sa buong mundo na gamitin ang kanilang yaman hindi lamang para sa pansariling kapakinabangan kundi bilang paraan ng pagtulong sa mga mahihirap at nangangailangan.

Ito ang sentro ng kanyang prayer intention ngayong Nobyembre, kung saan nanawagan ang Santo Papa na ipanalangin ang wasto at makatarungang paggamit ng mga biyayang tinatanggap ng bawat tao.

“Nothing is ours alone — everything is a shared gift.,” ayon kay Pope Leo.

Sa kanyang mensahe, ipinaalala ni Pope Leo na ang pera, kakayahan, oras at mga oportunidad ay hindi lamang para ipunin o angkinin, kundi mga biyayang dapat ibahagi sa kapwa.

Nagbabala rin ang pinunong pastol na maaaring maging dahilan ng pagiging makasarili ang labis na paghahangad sa kayamanan, lalo na kung nagiging instrumento ito ng kapangyarihan sa halip na paglilingkod.

Dagdag pa ng Santo Papa, “we let the wealth we seek or attain harden our hearts, lock us in selfishness, and make us forget the most vulnerable.”

Binigyang-diin ng Santo Papa na ang tunay na yaman ay hindi nasusukat sa dami ng pag-aari, kundi sa pagmamahal at kabutihang naibabahagi sa iba.

Hiniling din ni Pope Leo na maging gabay ang malasakit at pagkakapatiran sa mga pasya ng bawat pamilya at komunidad, lalo na sa paggamit ng kanilang mga pinagkukunan upang makatulong sa pagtataguyod ng katarungan at kapayapaan.

“Make us witnesses of a wealth transformed into service and mercy, so that our lives, united to the lives of others, may be a sign of your Kingdom of justice and peace. Amen,” bahagi pa ng panalangin ng Santo Papa.

UNDAS 2026, generally peaceful

 33,338 total reads

 33,338 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 9,369 total reads

 9,369 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 58,425 total reads

 58,425 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 108,176 total reads

 108,176 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 267,374 total reads

 267,374 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 294,136 total reads

 294,136 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top