Blanket ban sa mga kabataan sa paggamit ng social media, tinututulan ng mga eksperto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,018 total reads

Kinilala ng Philippine Mental Health Association (PMHA) at Child Rights Network (CRN) ang pagtutulungan ng Simbahan, pamilya, paaralan, at komunidad upang mapangalagaan ang kalusugang pangkaisipan at kaligtasan ng mga kabataan sa paggamit ng social media.

Ito ay kaugnay sa ipatupad na blanket ban o pagbabawal sa mga wala pang 18 taong gulang na gumamit ng social media.

Sa punong balitaan ngayong araw ay PMHA, CRN, kasama ang Psychological Association of the Philippines (P-A-P) at Stairway Foundation ang mga alternatibong hakbang sa panukalang social media ban, kabilang ang mas mahigpit na proteksiyon sa internet, digital literacy, at angkop na paggabay sa mga menor de edad.

Ayon kay Dr. Anthony Grecia, National Trustee ng PMHA, maaaring makatulong ang Simbahan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng pananampalataya, espirituwalidad, at mga ligtas na espasyo kung saan maaaring matuto at makibahagi ang mga kabataan sa mga talakayan tungkol sa responsableng paggamit ng teknolohiya, kabilang dito ang mga samahang pangkabataan gaya ng Youth for Christ, na maaaring magsulong ng ligtas, makatao, at responsableng presensiya sa internet.

Binigyang-diin ni Grecia na mahalagang isaalang-alang ang biopsychosocial-spiritual framework sa pangangalaga sa kabataan, na kumikilala sa ugnayan ng pisikal, sikolohikal, panlipunan, at espirituwal na kalagayan ng isang tao.

Aniya, makatutulong ang pananampalataya at pagninilay sa pagpapatatag ng kabataan, kasabay ng pagkakaroon ng sapat na suporta sa kalusugang pangkaisipan.

Samantala, iginiit ni Doreen Murata, Digital Advocacy Co-Lead ng CRN, na hindi dapat ipataw sa mga kabataan ang epekto ng pagkukulang ng mga sistemang nakatalaga sanang magprotekta sa kanila dahil maaaring itulak ng ‘blanket ban’ ang mga menor de edad sa mas maliliit na online platform na maaaring walang sapat na mekanismo ng proteksiyon.

Inihayag ni Murata na mahalagang palakasin ang pananagutan ng mga social media company at ang kakayahan ng mga magulang at guro sa digital safety.

Dagdag ni Murata, dapat ding pakinggan ang mga karanasan at pananaw ng mga kabataan sa pagbuo ng mga batas na direktang makaaapekto sa kanila na nagsusulong ng makabuluhang pakikilahok ng mga kabataan sa mga desisyong may kaugnayan sa kanilang mga karapatan at kapakanan.

Sa halip na malawakang pagbabawal, inirerekomenda ng mga eksperto ang pagpapanatili ng umiiral na age restriction para sa mga batang wala pang 13 taong gulang, kasama ang mas mahigpit na online safeguards, wastong paggabay ng magulang, ligtas na kapaligiran sa paaralan, at mga programang magpapaunlad sa kakayahan ng kabataan na kumilala ng mapanganib na nilalaman at gumamit ng teknolohiya nang responsable.

Iginigiit sa ensiklikal na Fratelli Tutti ni Pope Francis ang pagkakapatiran, pakikiisa, at panlipunang pakikilahok.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 57,232 total reads

 57,232 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 93,505 total reads

 93,505 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 128,804 total reads

 128,804 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 355,075 total reads

 355,075 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 245,299 total reads

 245,299 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top