Diocese of Bangued, naninindigan laban sa pagmimina sa lalawigan ng Abra

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,032 total reads

Mariing nanindigan ang Diyosesis ng Bangued laban sa banta ng malakihang pagmimina sa bayan ng Licuan-Baay, na naglalagay sa panganib hindi lamang sa kalikasan kundi maging sa kabuhayan at kalusugan ng mamamayan ng lalawigan ng Abra.

Sa pastoral statement ng diyosesis, iginiit ni Bishop Leopoldo Jaucian ang pagkakaisa ng simbahan sa pagtatanggol sa kalikasan at kabanalan ng nilikha ng Diyos.

“We raise our voice on a pressing issue that endangers both the beauty of our land and the well-being of our people: the threat of large-scale mining in Licuan-Baay,” pahayag ni Bishop Jaucian.

Binatikos ni Bishop Jaucian ang pagkakaloob ng Authority to Verify Minerals sa Yamang Mineral Corporation nang hindi dumaraan sa Free, Prior, and Informed Consent (FPIC) ng mga katutubo, na maituturing na paglabag sa karapatan at dangal ng mga pamayanan.

Binigyang-diin din ng obispo na ang magiging pinsala ng pagmimina ay hindi lamang mararamdaman sa Licuan-Baay, dahil dadaloy ang epekto nito sa Malanas at Baay Rivers patungong Abra River, na nagsisilbing pangunahing pinagkukunan ng buhay ng maraming pamayanan.

“Such disregard for law and community raises deep concerns about credibility, respect, and justice… Mining will bring contamination, flooding, and destruction that will reach many municipalities. What harms one part of Abra harms us all,” giit ni Bishop Jaucian.

Mariin ding kinondena ng diyosesis ang lahat ng gawaing pumipinsala sa kalikasan at nanawagan sa mga lokal na opisyal at ahensya ng pamahalaan na pairalin ang batas at ipagtanggol ang mamamayan.

“We call upon all local government officials and government agencies to act with courage and integrity,” panawagan ng obispo.

Hinimok din ni Bishop Jaucian ang bawat Abreño na manindigan para sa pangangalaga ng nilikha ng Diyos at sama-samang kumilos upang maipamana ang pag-asa, katarungan, at pangmatagalang pangangalaga para sa susunod na henerasyon.

“Let us be united in faith and in action. Let us choose life, justice, and stewardship. And may our collective “yes” to God’s gift of creation become the lasting legacy we pass on to future generations,” ayon kay Bishop Jaucian.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 67,883 total reads

 67,883 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 146,581 total reads

 146,581 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 180,028 total reads

 180,028 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 215,325 total reads

 215,325 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 439,062 total reads

 439,062 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,508 total reads

 157,508 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top