ATM, nagbabala sa isinusulong na open-pit gold at copper mining project sa Davao de Oro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 81,254 total reads

Nagbabala ang Alyansa Tigil Mina (ATM) laban sa isinusulong na open-pit gold and copper mining project ng Kingking Mining Corporation (KMC) sa Davao de Oro, dahil sa posibleng conflict of interest bunsod ng paglahok ng pamilyang Villar sa proyekto.

Ayon kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, maaaring maapektuhan ang pananagutan at pagsusuri sa posibleng epekto ng pagmimina dahil sa malawak na impluwensiyang pampulitika at pang-ekonomiya ng pamilyang Villar.

“The Villar’s 40 percent stake in the Kingking project and their deeply entrenched political power is a clear conflict of interest,” pahayag ni Garganera.

Sinabi ni Garganera na nakababahala ang posibilidad na hindi mabigyang-pansin ang anumang paglabag o negatibong epekto ng operasyon ng kumpanya dahil sa kapangyarihang hawak ng pamilya.

Binigyang-diin din ng grupo na ang paggamit ng open-pit mining method ay maaaring magdulot ng malawakang pinsala sa kapaligiran, kabilang ang pagkawala ng tirahan ng mga hayop, kontaminasyon ng tubig, at pagdami ng basurang pagmimina.

Iginiit ni Garganera, dapat manaig ang pangangalaga sa kalikasan at kapakanan ng mga komunidad kaysa sa interes sa kita.

Dagdag pa niya, maaaring magamit ang impluwensiyang pampulitika ng pamilya upang isulong ang mga patakarang pabor sa pagmimina na maaaring makaapekto sa kalikasan at karapatan ng mga mamamayan.

“We seriously doubt that the Villar family would prioritize environmental protection and community welfare over profits. Furthermore, the political positions of the Villar clan allow them to direct policies that would advance their mining interests at the expense of the environment and human rights,” ayon kay Garganera.

Ang pahayag ng ATM ay kasunod ng mga ulat na maglalaan ang KMC ng ₱307.8 billion para sa pagpapalawak ng Kingking project.

Nanawagan ang grupo sa publiko na manatiling mapagmatyag sa mga susunod na hakbang ng proyekto at suportahan ang mga komunidad na posibleng maapektuhan ng operasyon ng pagmimina.

Sang-ayon naman sa Laudato Si’ ni Pope Francis, mariin nitong tinututulan ang industriya ng pagmimina dahil nag-iiwan lamang ito ng labis na pinsala sa mga komunidad at nakadaragdag sa labis pang paghihirap ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sense of entitlement!

 16,042 total reads

 16,042 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 40,100 total reads

 40,100 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 118,486 total reads

 118,486 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 162,797 total reads

 162,797 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 199,310 total reads

 199,310 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 112,816 total reads

 112,816 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top