Pagkakaisa ng LGUs at mamamayan ng Romblon laban sa mining operation ng AMPC, pinuri

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,367 total views

Binigyang-diin ni Rodne Galicha, chairperson ng Bayay Sibuyanon at executive director ng Living Laudato Si’ Philippines, ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mamamayan at mga halal na kinatawan sa pagsusulong ng kabutihang panlahat at pangangalaga sa kalikasan.

Inihayag ito ni Galicha matapos bawiin ng Sangguniang Bayan ng San Fernando, Romblon ang naunang endorsement sa aplikasyon ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) para sa planong pagmimina sa Barangay España, kasunod ng patuloy na usapin hinggil sa pangangalaga sa isla ng Sibuyan.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang environmental advocate sa mga Sangguniang Barangay, Sangguniang Bayan, at Sangguniang Panlalawigan ng Romblon dahil sa kanilang pakikinig, pagsusuri, at pagtupad sa kanilang mandato para sa kapakanan ng mamamayan at kalikasan.

“Ngayong araw ay isang paalala na kapag nagkakaisa ang mamamayan at ang kanilang mga halal na kinatawan, may kakayahan tayong itaguyod ang kabutihang panlahat,” pahayag ni Galicha.

Ayon kay Galicha, ipinapakita ng mga naging desisyon ng mga lokal na lider sa Romblon na ang mabuting pamamahala ay nakabatay sa pananagutan, paggalang sa batas, at malasakit sa mga susunod na henerasyon.

Kasabay nito, nanawagan si Galicha sa mamamayan na manatiling mahinahon at ipagpatuloy ang mapayapang pagkilos, panalangin, diyalogo, at sama-samang pagkilos para sa pangangalaga ng kalikasan.

“Ang ating lakas ay hindi nasusukat sa galit kundi sa katatagan ng ating paninindigan. Ipagpatuloy natin ang mapayapang pagkilos, ang panalangin, ang pag-uusap, at ang sama-samang pagkilos para sa ating nag-iisang tahanan,” saad ni Galicha.

Binigyang-diin din ng environmental advocate na hindi sapat ang pagtutol lamang sa mga proyektong maaaring makaapekto sa kapaligiran, kundi mahalaga ring maisulong ang mga alternatibong paraan ng pag-unlad na nagbibigay-proteksyon sa kalikasan at lumilikha ng kabuhayan.

Kabilang dito ang ecotourism, sustainable agriculture at fisheries, forest restoration, renewable energy, at iba pang inisyatibang nagtataguyod ng pangmatagalang kaunlaran para sa mga pamayanan.

Nanawagan din si Galicha sa mga pambansang ahensya ng pamahalaan na higit pang pagtibayin ang kanilang pagtutulungan upang maisulong ang isang uri ng kaunlarang makatarungan, matatag, at kapaki-pakinabang para sa tao at kalikasan.

“Ang kalikasan ang ating pinakamahalagang puhunan—at kapag ito ay ating iningatan, ito rin ang patuloy na mag-aalaga sa atin,” ayon kay Galicha.

Nauna nang nagbigay ng endorsement ang Sangguniang Bayan ng San Fernando sa aplikasyon ng Altai Philippines Mining Corporation para sa planong pagmimina sa Barangay España bago ito bawiin sa pamamagitan ng recall resolution na inaprubahan sa botong 4-2 nitong August 3, 2026.

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 6,897 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 23,431 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 49,036 total views

 49,036 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 121,114 total views

 121,114 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 152,396 total views

 152,396 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 184,412 total views

 184,412 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 334,067 total views

 334,067 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 42,349 total views

 42,349 total views Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top