Kalikasan, isang kaibigan at kapatid na dapat mahalin at ipagtanggol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,596 total reads

Hindi lamang isang bagay na maaaring gamitin o pagsamantalahan ang kalikasan, kundi isang kaibigan at kapatid na dapat mahalin, igalang, at ipagtanggol.
Ito ang pagninilay ni Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM, Minister Provincial ng Order of Friars Minor (OFM) Province of San Pedro Bautista – Philippines, sa kanyang pangunguna sa “Laudato Si’: Prayer in Union with Creation” bilang panalangin sa pagsisimula ng ikalawang araw ng 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion.

Iniugnay ni Fr. Redoblado ang panalangin para sa sangnilikha sa tema ng PCNE XII na “Sangkay: I have called you friends,” kung saan binigyang-diin niya na ang pakikipagkaibigan ay hindi lamang para sa kapwa tao kundi maging sa buong nilikha ng Diyos.

Ayon sa paring Franciscano, itinuro ni San Francisco ng Assisi na ang kalikasan ay hindi lamang bagay na nakapaligid sa tao kundi bahagi ng isang ugnayan na dapat pangalagaan bilang kapatid.

“Creation is not an object to be used. It is a brother, a sister, a friend—a sangkáy. Ito ang hamon sa atin. Ang lahat ng bagay ay magkaugnay… We are related. We are connected.” pahayag ni Fr. Redoblado.

Ipinaliwanag niya na ang diwa ng Laudato Si’ ay nakaugat sa pagkilala na ang lahat ng nilikha ay nagmumula sa Diyos at ang tao ay tinawag upang maging mabuting katiwala ng sangnilikha.

Ibinahagi rin ng pari ang karanasan ng mga tagapangalaga ng Masungi Georeserve na tumitingin sa kalikasan bilang pamilya, na nagpapakita ng mas malalim na kahulugan ng panawagan ni San Francisco na kilalanin ang sangnilikha bilang kapatid.

Inihalimbawa rin ni Fr. Redoblado ang paninindigan ng lider-katutubo na si Macli-ing Dulag laban sa Chico Dam Project sa Cordillera upang ipakita ang pananaw ng mga katutubo na hindi pagmamay-ari ng tao ang lupa, kundi ang tao ang bahagi ng lupa.

“We belong to the earth. The earth was here before we came, and it will remain long after we die,” ayon kay Fr. Redoblado.

Binigyang-diin ng paring Franciscano na ang Laudato Si’ ay isang tawag sa ugnayan, pagdiriwang, at misyon upang pangalagaan ang ating nag-iisang tahanan, lalo na sa harap ng patuloy na pagkasira ng kalikasan na higit na nakaaapekto sa mahihirap at mga katutubong komunidad.

Aniya, ang tunay na pagmamahal sa kalikasan ang nagtutulak sa tao upang ito ay pangalagaan at hindi pagsamantalahan.

“Kung mahal mo ang kalikasan—kung sangkáy mo ito—natural mo itong ipagtatanggol. Kapag nawawala ang ating sense of wonder and awe, nakakalimutan natin na ang lahat ng ito ay nilikha ng Diyos. Then we begin to exploit even our brothers and sisters instead of celebrating them,” saad ni Fr. Redoblado.

Dagdag niya, ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang responsibilidad ng mga tagapagtanggol ng kalikasan kundi isang mahalagang bahagi ng pagiging alagad ni Kristo.

“For in the end, we protect creation not because it is useful to us, but because it is God’s beloved creation entrusted to us by Christ, our Brother, our Friend, who now calls us to become friends of His creation,” pagtatapos ni Fr. Redoblado.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 5,702 total reads

 5,702 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 43,490 total reads

 43,490 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 97,326 total reads

 97,326 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 160,702 total reads

 160,702 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 228,481 total reads

 228,481 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 47,879 total reads

 47,879 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top