PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,903 total reads

Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ngayong araw.

Ito’y dahil sa agresibong pagsusulong ng mga polisiyang magpapalawak sa pagmimina nang walang malinaw na pambansang plano sa industriyalisasyon at sapat na pangangalaga sa kalikasan.

Ayon sa ATM, nakababahala ang nakatakdang pag-apruba ng Critical Minerals Framework, na anila’y magbubukas ng mas maraming pagmimina ng nickel, copper, at cobalt nang hindi man lamang isinailalim sa konsultasyon ang mga maaapektuhang komunidad at mga makakalikasang grupo.

“On this fifth State of the Nation Address (SONA), Alyansa Tigil Mina (ATM) registers its dismay over the wrongful and aggressive promotion of destructive mining by the administration of President Bongbong Marcos, Jr.,” pahayag ng ATM.

Nagpahayag din ng pangamba ang grupo sa kasunduang isinulong ng pamahalaan sa ilalim ng Pax Silica, kung saan isasama ang yamang mineral ng Pilipinas sa global high-tech supply chain ng Estados Unidos sa kabila ng mga naitalang paglabag sa batas at pinsalang pangkalikasan na inuugnay sa ilang kumpanya ng pagmimina.

Ayon sa ATM, wala ring malinaw na Philippine Industrialization Plan na magtatakda kung anu-anong mineral ang tunay na kailangan ng bansa at kung paano ito dapat gamitin para sa pambansang kaunlaran.

Nangangamba ang grupo na humantong lamang ito sa patuloy na pagkamkam sa likas na yaman at pagkasira ng mga kagubatan at mahahalagang ecosystem.

“Government officials have been quick to defend Pax Silica against the alleged environmental issues raised but have provided no definitive, specific details. Like many other regulatory functions of government, Pax Silica supporters have very few specific mitigation measures to show,” saad ng ATM.

Bukod dito, binigyang-diin ng ATM ang lumalalang pagputol ng mga puno sa iba’t ibang bahagi ng bansa, gayundin ang paglawak ng black sand mining at seabed quarrying na nagdudulot ng pinsala sa mga ilog, baybayin, at yamang-dagat dahil sa kakulangan ng mahigpit na regulasyon.

Iginiit din ng grupo na dapat ding tutukan ng pamahalaan ang katiwalian sa industriya ng pagmimina, matapos ilabas ng ATM ang isang pag-aaral na nag-uugnay sa ilang political dynasty at mining corporations, na nagpapahina sa pagpapatupad ng mga batas at sa pangangalaga sa karapatan ng mga komunidad na apektado ng pagmimina.

“This connivance between political families and industrial elites fuels regulatory capture and the failure of government to effectively regulate the mining industry,” saad ng ATM.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 6,426 total reads

 6,426 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 44,080 total reads

 44,080 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 97,916 total reads

 97,916 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 161,269 total reads

 161,269 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 229,048 total reads

 229,048 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top