Patatagin ang ugnayan kay Hesus bago akayin ang iba sa pananampalataya-Bishop Sescon sa kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,642 total reads

Hinimok ni Balanga Bishop Rufino Sescon Jr. ang mga mananampalataya, lalo na ang mga kabataan, na unahin munang patatagin ang kanilang personal na ugnayan kay Hesukristo bago akayin ang iba sa pananampalataya.

Ito ang buod ng pagninilay ng obispo sa Misa ng ikatlo at huling araw ng 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) na may temang “Sangkay,” kung saan binigyang-diin niyang si Hesus ang tunay na kaibigan, pinakamahalagang kayamanan, at matibay na pundasyon ng buhay Kristiyano.

Ayon kay Bishop Sescon, ang tunay na pagkakaibigang Kristiyano ay hindi nananatili sa pansariling kapakanan kundi patuloy na lumalawak upang maihatid ang iba kay Kristo.

“”Lalo na sa ating mga kabataan, ang huling araw ng PCNE ay iniaalay para sa inyo. Nawa’y tunay ninyong matuklasan na ang pinakalaman ng inyong puso ay si Hesus—ang ating kaibigan at Tagapagligtas—sapagkat Siya ang pundasyon ng ating pananampalataya. Hangga’t hindi natin tunay na kinikilalang kaibigan si Hesus—isang kaibigang nagmamalasakit, nagmamahal, at nag-alay ng Kanyang buhay para sa atin—hindi ganap na lalago ang ating pananampalataya. At kapag lumalim ang ating pananampalataya, kusa natin itong maibabahagi sa iba upang mas marami pang maging kaibigan ni Hesus,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Sescon.

Gayunman, sinabi nitong hindi magiging ganap ang misyong ito kung hindi muna matatagpuan ng bawat isa si Kristo sa kanilang sariling puso, sapagkat ang pananampalataya ay higit pa sa kaalaman—ito ay isang buhay at personal na relasyon sa Panginoon.

Ipinaliwanag pa ng obispo na kapag kinilala ng tao si Hesus bilang tunay na kaibigan na nagmamahal at nag-alay ng Kanyang buhay para sa sangkatauhan, kusang lumalalim ang pananampalataya at naibabahagi ito sa iba.

Kaugnay nito, hinamon niya ang mga dumalo na tanungin ang kanilang sarili kung sino pa ang maaari nilang akayin kay Kristo at kung sino ang patuloy na naghahanap sa “nakatagong kayamanan” na si Hesus.

“”Nagsisimula ang pagkakaibigan sa pagkilala sa isang tao. Hindi naman tayo agad nagiging magkaibigan; kailangan muna nating makilala ang isa’t isa. Ganoon din kay Hesus. Kilalanin natin Siya hindi lamang sa Kanyang mga itinuro o sinabi, kundi maging sa Kanyang puso at kalooban. Iyan ang hamon sa bawat isa sa atin—ang patuloy na palalimin ang ating ugnayan sa Panginoon. Sapagkat ang pananampalataya ay hindi lamang tungkol sa kaalaman o mga aral; higit sa lahat, ito ay isang buhay na relasyon kay Hesus,” bhaagi pa ng panayam ng RAdyo Veritas kay Bishop Sescon.

Idinaos ang PCNE XII sa University of Santo Tomas, kung saan inilaan ang huling araw ng pagtitipon para sa mga kabataan bilang susunod na henerasyon ng mga misyonerong alagad ng Simbahan.

Layunin ng PCNE na higit pang isabuhay ang diwa ng bagong ebanghelisasyon sa pamamagitan ng paghubog ng mga Kristiyanong nakaugat sa tunay na pakikipagkaibigan kay Kristo at handang maging “sangkay” sa pag-akay ng iba tungo sa pananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 61,327 total reads

 61,327 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 147,824 total reads

 147,824 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 190,860 total reads

 190,860 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 240,620 total reads

 240,620 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 398,850 total reads

 398,850 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top