Mas malawak na pagtutulungan, tugon sa problema ng karahasan sa mga paaralan-TDC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,954 total views

Nanawagan ang Teachers Dignity Coalition (TDC) ng mas malawak na pagtutulungan ng pamilya, paaralan, pamahalaan, komunidad, at media upang matugunan ang lumalalang insidente ng karahasan sa mga paaralan.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni TDC Secretary General Jim Lester Beleno na bagama’t mahalagang hakbang ang pagpapatupad ng Republic Act 12080 o Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act, hindi ito sapat upang ganap na masolusyunan ang problema ng karahasan sa mga paaralan.

“Hindi po amin masusulusyunan ang karahasan lamang sa paaralan, kahit po ang DepEd. Kinakailangan po ang whole-of-society approach. Dapat katuwang ang mga pamilya, ang komunidad, ang media, at lalong-lalo na ang estado,” Bahagi ng pahayag ni Beleno.

Ayon sa TDC, nagsisilbing wake-up call ang mga nagdaang insidente ng karahasan sa mga eskwelahan upang repasuhin ng Department of Education ang mga umiiral na polisiya, lalo na ang pagpapalakas ng guidance and counseling services sa mga paaralan.

Nanawagan din si Beleno na magtalaga ng sapat na guidance advocates na tututok sa pangangalaga sa mental health ng mga mag-aaral at sa tuluy-tuloy na counseling.
Ipinahayag din ng samahan ang pangamba ng mga guro sa usapin ng kaligtasan sa loob ng mga paaralan.

“Nakakalungkot at nakakaalarma po sa amin na sana pag pumapasok kami ay sigurado ang kaligtasan ng mga guro at mga mag-aaral,” Ani Beleno.

Iginiit din ng TDC na dapat palakasin ang seguridad sa mga paaralan, kabilang ang agarang pagpapatupad ng active shooter drills at mas malapit na koordinasyon sa Philippine National Police upang mabilis na makatugon sa oras ng emergency.

Binigyang-diin din ni Beleno ang pangangailangang magkaroon ng malinaw na gabay sa pagdidisiplina sa mga mag-aaral, kasabay ng panawagang maisabatas ang Teacher Protection Policy.

Paliwanag ni Beleno, bagama’t umiiral ang Child Protection Policy at ipinagbabawal ang corporal punishment, nagiging mahirap na rin para sa mga guro ang pagpapanatili ng disiplina sa loob ng silid-aralan.

“Kung gusto ninyo ng kalidad na edukasyon, siguraduhin naman na sapat ang seguridad at ang mga kinakailangan ng mga guro,” Ayon pa kay Beleno.

Ipinaalala rin ni Beleno na bagama’t kinikilala ang mga guro bilang loco parentis o pagiging pangalawang magulang ng mga mag-aaral habang nasa paaralan, nananatili pa ring pangunahing responsibilidad ng mga magulang ang paghubog sa asal at disiplina ng kanilang mga anak.

“Kami po ang tumatayong pangalawang magulang, pero ang primary role pa rin ay nasa tahanan,” Paliwanag ni Beleno.

Patuloy namang itinataguyod ng Simbahan na ang edukasyon ay bunga ng sama-samang pananagutan ng pamilya, paaralan, pamahalaan, at buong komunidad kung saan tanging sa pamamagitan ng pagkakaisa, paghubog ng tamang asal, at pangangalaga sa mental at emosyonal na kalusugan ng kabataan, higit na maitataguyod ang ligtas at makataong kapaligiran sa mga paaralan.

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 7,441 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 24,006 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 50,095 total views

 50,095 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 122,059 total views

 122,059 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 153,341 total views

 153,341 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 185,357 total views

 185,357 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 334,942 total views

 334,942 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, balik Vatican na

 6,072 total views

 6,072 total views Nagbalik na sa Vatican ang Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV matapos ang ilang linggong pamamahinga sa Castel Gandolfo, na summer residence ng mga

Read More »
Scroll to Top