Gamitin ang “spiritual intelligence’’, panawagan ni Cardinal David sa mga mag-aaral at guro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,711 total views

Nanawagan si Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David sa mga mag-aaral, guro, at mga institusyong pang-edukasyon na bigyang-tuon ang “spiritual intelligence” bilang gabay sa paggamit ng makabagong teknolohiya at sa wastong pagtukoy sa katotohanan sa gitna ng mabilis na pag-unlad ng artificial intelligence (AI).

Sa kanyang pagninilay sa Misa de Apertura sa Santísimo Rosario Parish para sa pagbubukas ng taong akademiko ng University of Santo Tomas, sinabi ng kardinal na bagama’t mahalaga ang talino at teknolohiya, higit na kinakailangan ang karunungang nagmumula sa Diyos.

Aniya, hindi lamang ito kakayahang mag-isip kundi makita at maunawaan ang katotohanan sa pananaw ng Diyos.

“Today, I would like to suggest that there is one form of intelligence that should guide all other forms, and I call it spiritual intelligence. For me, spiritual intelligence is simply the ability to see reality as God sees it,” ayon kay Cardinal David.

Binigyang-diin ng kardinal na sa panahon ng social media, maling impormasyon at mabilisang paghuhusga, higit na kinakailangan ang pagiging mapanuri.

“Don’t judge by appearances. Don’t decide by hearsay. Be discerning,” giit ni Cardinal David.

Ayon kay Cardinal David, ito rin ang dapat maging pangunahing layunin ng isang pamantasan na hubugin ang kakayahan ng taong kumilatis sa katotohanan at hindi lamang mag-ipon ng impormasyon.

“A university should teach not merely how to think, but how to discern; not merely how to gather information, but how to recognize truth and distinguish truth from falsehood,” dagdag ng kardinal.

Tinalakay din ng cardinal ang lumalawak na impluwensya ng artificial intelligence sa iba’t ibang larangan, ngunit iginiit na hindi sapat ang teknolohiya kung walang matibay na batayang moral at espirituwal.

“Technology answers the question, ‘What can we do?’ But only moral and spiritual intelligence can answer the more important questions: ‘Should we do it?’ ‘Will it serve the common good?’ ‘Will it respect and uphold human dignity?'” ayon pa sa kardinal.

Babala ni Cardinal David sa mga mananampalataya ang kawalang-sapat na karunungan sa gitna ng mabilis na pag-usbong ng teknolohiya.

“The greatest danger today is not that machines are becoming intelligent. The greater danger is that human beings become highly intelligent but no longer wise,” giit ni Cardinal David.

Iginiit ni Cardinal David na ang tunay na sukatan ng katalinuhan ay hindi nakabatay sa marka sa paaralan, akademikong tagumpay o maging sa kakayahan ng artificial intelligence, kundi sa karunungang ipinagkakaloob ng Espiritu Santo.

“The highest form of intelligence is not measured by grades, publications, rankings, or even by artificial intelligence. The highest form of intelligence is the wisdom that comes from the Holy Spirit.”

Hinimok ng kardinal ang mga Thomasians na pagsikapang linangin ang kanilang mga talento at gamitin nang wasto ang teknolohiya, kasabay ng patuloy na paghubog sa kakayahang makilala ang katotohanan, ang kabutihan at ang tunay na mapalad sa paningin ng Diyos.

Hinikayat ni Cardinal David ang pamayanang akademiko na simulan ang bagong academic year sa panalangin, hindi lamang para sa katalinuhan kundi para sa tunay na karunungan at wastong pag-unawa.

Kasunod ng Misa de Apertura ay nagbigay naman ng Discurso de Apertura si Professor Emeritus Alfredo Co, PhD habang malugod na tinanggap ng komunidad ng UST ang 12,554 na mga bagong estudyante sa Grade 7, 11, at sa unang taon ng kolehiyo.

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 3,943 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 20,296 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 43,357 total views

 43,357 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 115,984 total views

 115,984 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 147,266 total views

 147,266 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 179,282 total views

 179,282 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 329,343 total views

 329,343 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top