Receipients ng confidential funds ni VP Duterte, hindi na kailangang iharap sa impeachment trial

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,287 total reads

Iginiit ni San Juan City Lone District Representative Ysabel Maria Zamora – miyembro ng House Prosecution Panel, na ang mga dokumentong isinumite mismo ng Office of the Vice President of the Philippines at ng Department of Education sa Commission on Audit (COA) ang nagsisilbing mahalagang ebidensya sa nagpapatuloy na impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Zamora na ang mga acknowledgment receipts na may nakasaad na pangalan kabilang ang “Mary Grace Piattos,” ay nararapat lamang na masusing siyasatin upang matukoy kung sino ang tunay na tumanggap ng mga pondong nakasaad sa mga dokumento.

“Kung hindi tunay si Mary Grace Piattos, eh sinong tumanggap nga nitong mga perang ito? Dahil lahat ‘yun may mga pangalan, may listahan sila,” Bahagi ng pahayag ni Zamora.

Binigyang-diin ng mambabatas na hindi na kinakailangang iharap pa sa pagdinig ang mga taong nakapangalan sa mga resibo dahil ang mga dokumentong isinumite sa COA ay inaasahang opisyal, tama, at alinsunod sa itinakdang proseso ng pamahalaan.

“These are documents submitted by the Office of the Vice President, the Department of Education, to the COA. ‘Pag nag-submit kayo ng dokumento, that means tama lahat ito, sinusunod ninyo ang proseso,” Dagdag ni Zamora.

Ayon kay Zamora, isa sa mga usaping sinusuri ng prosecution panel kaugnay ng reklamong betrayal of public trust kung mapatutunayang mali ang nilalaman ng mga naturang dokumento.

Tinukoy rin ng kongresista ang testimonya ng COA auditor na si Atty. Roderick Wamil, na siyang nagpatunay sa iba’t ibang financial documents, kabilang ang mga acknowledgment receipts, certifications, at liquidation reports na may lagda ni Vice President Duterte.

Ipinaliwanag ni Zamora na ang bawat lagda sa certification ay nangangahulugang pinatutunayan ng lumagda na tama at kumpleto ang lahat ng impormasyong nakapaloob sa isinumiteng ulat.

“Ang ibig sabihin ng kanyang signature… sini-certify niya na tama ang nakalagay lahat doon sa report… meaning, pinapatotohanan niya na correct ang sina-submit nilang mga dokumento sa COA,” Ani Zamora.

Iginiit din ng mambabatas na kahit confidential o intelligence funds ang pinag-uusapan ay hindi nawawala ang obligasyon ng isang tanggapan ng pamahalaan na magsumite ng kinakailangang liquidation reports sa COA.

“Hindi po excuse na ‘pag confidential eh hindi na sasabihin sa taumbayan kung paano ginamit. Kailangan malaman ng COA, bilang kinatawan ng taumbayan, kung saan ginamit ang pera ng publiko,” Dagdag pa ni Zamora.

Patuloy namang nananawagan ang Simbahang Katolika sa mga lingkod-bayan na isabuhay ang katapatan, pananagutan, at tapat na pangangasiwa sa pondo ng bayan bilang mahalagang bahagi ng kanilang paglilingkod sa sambayanan.

Kaugnay nito, umaasa ang Simbahan na ang nagpapatuloy na proseso ng impeachment ay maisasagawa nang may paggalang sa batas, katotohanan, at due process upang mapanatili ang tiwala ng mamamayan sa mga demokratikong institusyon ng bansa.

UNDAS 2026, generally peaceful

 15,824 total reads

 15,824 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Angry nerds

 28,701 total reads

 28,701 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 78,453 total reads

 78,453 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 237,646 total reads

 237,646 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 264,807 total reads

 264,807 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 297,730 total reads

 297,730 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

UNDAS 2026, generally peaceful

 15,825 total reads

 15,825 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »
Scroll to Top