Pangmatagalang pagkalinga sa Indigenous People’s, isinasakatuparan ng Jesuit run university

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,420 total reads

Mula sa taunang pamamahagi ng tulong tuwing Pasko, tinatahak ngayon ng Jesuit-run university sa Mindanao ang mas malalim at mas pangmatagalang paraan ng pagkalinga sa mga katutubo.

Ayon kay Kevin Roy Jimera, direktor ng Campus Ministry ng Ateneo de Zamboanga University, nagsimula ang pagbabago matapos hamunin ng kanilang pangulo na si Fr. Guillrey Anthony “Ernald” Andal, SJ, ang mga tagapangasiwa hinggil sa tunay na epekto ng kanilang mga programa.

“With all our programs and activities, how many of these are intentional and sustainable, leading to development?” ani ng pari sa isang strategic planning meeting.

Ibinahagi ni Jimera na sa pamamagitan ng taunang Christmas Love Drive, nakapagbibigay ang unibersidad ng 800 hanggang 1,000 family packs sa mga komunidad na itinuturing na “poorest of the poor.”

“Though we can feed a family for a day, for a week at most, after that, what’s next? It’s not even sustainable,” pahayag ni Jimera sa Radyo Veritas.

Dahil dito, minabuti ng unibersidad na repasuhin ang kanilang mga programa at ituon ang pansin sa pangmatagalang pag-unlad sa halip na panandaliang tulong lamang.

Liwanag para sa komunidad

Sa pakikipagtulungan sa Center for Community Extension Services (CESES), sinuri ang kalagayan ng komunidad ng Sama Bangingi sa Simariki Island na may tinatayang 70 hanggang 80 kabahayan.

Lumabas sa konsultasyon na bukod sa kakulangan sa malinis na tubig at maayos na pabahay, isa sa pinakamalaking suliranin ay ang kawalan ng kuryente na nagiging hadlang sa pang-araw-araw na gawain lalo na pagsapit ng dilim.

“At 7 o’clock, they are already asleep. That’s the reality in that area because they have no light,” ani Jimera.

Umaasa lamang sa gasera at lampara ang mga residente kung saan apektado rin ang mga mag-aaral, lalo na ang pumapasok sa high school sa mainland sa Barangay Talon-talon, Zamboanga City na kinakailangang umalis ng madaling-araw at umuwi nang gabi.

“Without light, students leave at 4 or 5 a.m., and when they return, it’s dark again. They cannot even clearly see where to dock their boats,” dagdag ni Jimera.

Bilang tugon, inilunsad ang Project SUGA na naglalayong maglagay ng 36 solar street lamps sa pangunahing walkway ng komunidad upang mapabuti ang kaligtasan at mobilidad ng mga residente.

Noong December 10, 2025, nai-turn-over ang unang 12 solar lamps bilang bahagi ng Phase 1 ng proyekto.

Tinatayang ₱13,000 ang halaga ng bawat unit na sumasaklaw sa materyales, transportasyon at instalasyon.

Panawagan sa pamahalaan

Gayunman, iginiit ni Jimera na hindi sapat ang paglalagay ng ilaw upang tuluyang matugunan ang mas malalim na suliranin ng komunidad.

“Marami pa silang mas malalaking pangangailangan tulad ng maayos na pabahay, maayos na walkway, at mas matibay na istruktura,” ani Jimera.
Ibinahagi rin niyang maraming bahay sa isla ang sira-sira at lantad sa init, ulan at malalakas na hangin mula sa dagat.

Dahil dito, nananawagan ang pamantasan sa lokal at pambansang pamahalaan na magsagawa ng mas malawak na pagtugon sa komunidad, lalo’t kinikilala na sila bilang opisyal na Indigenous Peoples (IP) community.

Naniniwala si Jimera na maaaring tumugon ang mga ahensya tulad ng National Housing Authority at iba pang kaugnay na tanggapan upang matulungan ang mga residente sa mas matatag na pabahay at imprastraktura.

“Hindi namin kayang tugunan lahat. Kailangan din ng mas malawak na interbensyon ng gobyerno,” giit ni Jimera.

Pananampalatayang may katarungan

Iginiit ni Jimera na ang proyekto ay nakaugat sa misyon ng pamantasan at sa Ignatian spirituality na bumubuo ng mga lider na may malasakit at pananagutang panlipunan.

“Faith that does justice. Hindi puwedeng prayer-prayer ka lang, wala ka namang ginagawa,” ani Jimera.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pakikinig sa komunidad bago magpatupad ng anumang proyekto.

“Before we implement, we go to the area and ask: Is this what the community wants? Because what we want for them might not be what they want for themselves,” paliwanag ni Jimera.

Sa kasalukuyan, limang solar lamps na lamang ang kinakailangang pondohan upang makumpleto ang Phase 2 ng proyekto.

“There is benefactors’ fatigue. If donors do not see the impact, they will eventually get tired of giving,” ani Jimera, kasabay ng panawagan sa mga nais tumulong upang maisakatuparan ang ganap na implementasyon ng proyekto sa Simariki Island.

Sa mga nais makibahagi, maaaring magpadala ng tulong sa Bank of the Philippine Islands – NS Valderosa Branch sa ilalim ng Ateneo de Zamboanga University (Dollar Account: 2114-0103-51 – Savings; Peso Account: 2111-0001-42 – Current) o makipag-ugnayan sa [email protected]

Umaasa ang pamantasan na sa pamamagitan ng renewable energy at mas sistematikong pagtugon sa pangangailangan ng komunidad, masisiguro ang mas ligtas at mas maliwanag na kinabukasan para sa mga katutubo ng Simariki Island.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 148,557 total reads

 148,557 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 210,246 total reads

 210,246 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 255,956 total reads

 255,956 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 357,223 total reads

 357,223 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 419,245 total reads

 419,245 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top