Pagbawi ng prosekusyon sa 3-impeachment articles, hindi labag sa constitution

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,091 total reads

Naniniwala si dating Integrated Bar of the Philippines President Atty. Domingo Cayosa na mapapabilis ang paglilitis sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte matapos bawiin ng House Prosecution ang tatlo sa apat na impeachment charges laban sa bise presidente.

Sa panayam sa programang Barangay Simbayanan, sinabi ni Cayosa na sa pagtutok na lamang ng prosecution sa Article II na may kaugnayan sa Unexplained Wealth, mas magiging limitado ang mga usaping kailangang pagtuunan ng pansin at imbestigahan ng Senate Impeachment Court.

“Ang una at pinakapraktikal na epekto nung pag-drop nung tatlong ibang charges at isa na lang ang ipa-pursue ng prosecution, eh mapapadali talaga ‘yung paglilitis. Sapagkat ma-focus na ang attention dito sa undeclared wealth ng Vice President.” Bahagi ng mensahe ni Cayosa sa Radyo Veritas.
Ayon sa dating IBP president, mahalaga ring matapos ang impeachment proceedings upang makabalik ang Senado sa iba pa nitong legislative responsibilities.

“So, kinakailangan din ng Senado ang oras para gawin ‘yung legislative work nila. So, at maganda rin na magkaroon ng stability, convicted or acquitted, eh tapos na ‘yung paglilitis.”
Dagdag pa ni Cayosa.
Noong Oktubre 13, 2026 pinayagan ng Senate Impeachment Court ang withdrawal ng Articles I, III at IV, na tumatalakay sa confidential funds, bribery at grave threats, habang nananatili ang Article II hinggil sa alleged unexplained wealth.

“Karapatan ng prosecution” ang pagbawi sa charges

Para kay Cayosa na ring bilang isang legal analyst, walang paglabag sa rules sa ginawa ng prosecution dahil pinahihintulutan ng mga panuntunan ng impeachment proceedings ang pagbawi sa ilang charges.

“Wala ho nalalabag na batas sa pag-drop na kaso. Kasi, di ba sinasabi noon, bago pa na pwede na lang i-drop ang anumang charge, so wala ho silang nalabag, kasi nga karapatan nila ‘yun eh. That’s covered by the rules.” Ayon pa kay Cayosa.

Kasabay nito, tinutulan din ni Cayosa ang argumento ng defense na hindi ito nabigyan ng sapat na pagkakataong maiharap ang kanilang depensa.

Aniya, ilang pagkakataon na rin ang ibinigay sa defense upang magsumite ng ebidensya at ilatag ang kanilang posisyon bago at habang nagpapatuloy ang impeachment proceedings.

“So, pagganon ho saan? Pumayag sila noon, eh ‘di wala sana silang problema, kasi every charge nagkakaroon sila ng pagkakataon.” Ani Cayosa.

Pagtuon sa natitirang kaso

Sinabi rin ni Cayosa na makatutulong ang pagtutok ng impeachment court sa natitirang Article II upang maging mas direkta at mabilis ang paglilitis.

Batay sa prosecution, ang Article II ay nakatuon sa mga alegasyon hinggil sa unexplained wealth, SALN declarations at prohibited business interests, kung saan naniniwala ang prosecution na sapat na ang mga ebidensyang naiharap nito para ipagpatuloy ang kaso sa naturang article.

Para naman kay Cayosa, ang iba pang alegasyon na inalis sa impeachment proceedings ay maaari nang harapin sa ibang legal na proseso kung may kaukulang kaso o aksyon sa mga ito.

“Tama rin naman na iwan mo na sa criminal court para mag-focus na lang doon sa simplihan na lang ‘yung natitira sa Senate Impeachment Court para maagaan ang trabaho ng depensa, maagaan ang trabaho ng mga senador, mag-focus na lang sila doon.” Pagbabahagi ni Cayosa.

Sa huli, sinabi ni Cayosa na mas makabubuti sa impeachment proceedings na matapos ang paglilitis at magkaroon ng pinal na desisyon batay sa ebidensya at sa batas.

“So, I think it will be good for everyone, including the prosecution, defense at ang taongbayan para magkaalaman na.” Dagdag pa ni Cayosa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 11,745 total reads

 11,745 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 93,619 total reads

 93,619 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 127,068 total reads

 127,068 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 162,367 total reads

 162,367 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 388,539 total reads

 388,539 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top