940 total reads
Hinikayat ng Diocese of Imus ang mga parokya, paaralan, institusyon, ministries at iba pang komunidad sa diyosesis na magsagawa ng konkretong hakbang upang mabawasan ang plastic waste bilang bahagi ng pagsusulong ng isang Zero-Waste Church.
Sa panibagong liham sirkular – Circular Letter No. 39, Series of 2026, sinabi ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista na nakaugat ang hakbang sa panawagan ng Simbahan para sa ecological conversion at sa commitment ng diyosesis na maging isang Zero-Waste Church.
Partikular na hinihikayat ng Obispo na mahigpit na iwasan ang paggamit ng tarpaulins, at sa halip ay gumamit ng reusable cloth banners at iba pang sustainable materials.
Hinihikayat din ang hindi na paggamit ng disposable plastic utensils, single-use food containers, plastic banderitas, at iba pang non-biodegradable decorations.
“We have to work together to make a significant impact in reducing plastic waste in our Local Church of Cavite.” Bahagi ng panawagan ni Bishop Evangelista.
Binigyang-diin din ng Obispo, na kailangang maging sama-samang pagkilos ito ng buong lokal na Simbahan at hindi lamang responsibilidad ng isang partikular na ministry ng diyosesis.
“This common initiative must not be left solely to the responsibility of the Ministri sa Kalikasan.” Dagdag pa ni Bishop Evangelista.
Ayon kay Bishop Evangelista, ang pagsusulong ng zero-waste practices ay isang konkretong pagpapakita ng inter-ministeriality, na dapat kinabibilangan ng iba’t ibang bahagi ng pamayanang pangsimbahan.
“Rather, it is a concrete gesture of inter-ministeriality, which includes our Parish Pastoral Councils, mandated organizations, ministries, schools, youth groups, chapel communities, and Basic Ecclesial Communities (BECs).” Ayon pa kay Bishop Evangelista.
Hinimok din ng diyosesis na maisabuhay ang pangangalaga sa kalikasan hindi lamang sa mga programa kundi maging sa pang-araw-araw na pamumuhay at paghubog ng pananampalataya.
“Our care for creation must become part of our consciousness, lifestyles, faith formations, and pastoral activities.” Ani Bishop Evangelista.
Para sa Diyosesis ng Imus, mahalaga rin ang pakikipagtulungan sa labas ng mga istruktura ng Simbahan, kabilang ang mga local government units, civic organizations, educational institutions at iba pang stakeholders.
“As this is a shared responsibility, we also encourage active collaboration with our local government units, civic organizations, educational institutions, and other stakeholders.” Ayon pa kay Bishop Evangelista.
Sa pamamagitan ng ganitong sama-samang pagkilos, naniniwala si Bishop Evangelista na mas mapapalawak ang misyon ng Simbahan sa pagtugon sa panawagan para pangalagaan ang common home at makiisa sa mga higit na naaapektuhan ng pagkasira ng kalikasan.
“Through this communal participation, we widen the scope of our mission to respond to the call to care for our common home and stand in solidarity with those affected by ecological decline, especially the poor and the marginalized.” Dagdag pa ni Bishop Evangelista.
Sa liham sirkular na nilagdaan ng Obispo noong October 14, 2026, muling ipinapaalala ng Diyosesis ng Imus na ang pangangalaga sa nilikha ay hindi lamang usapin ng environmental practices kundi bahagi rin ng buhay, pananampalataya at misyon ng buong pamayanang Kristiyano.




