Waste segregation at composting, ipinag-utos ni Bishop Mejia sa lahat ng parokya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 730 total reads

Itinuring ni Tabuk Bishop Sean Mejia na kasalanan laban sa nilikha ng Diyos ang maling pagtatapon ng basura, kasabay ng paglalabas ng pastoral na direktiba na mahigpit na ipatupad ang waste segregation at composting sa mga parokya, paaralan, tanggapan ng Simbahan at sa bawat tahanan sa Kalinga at Apayao.

Binigyang-diin ng obispo na ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang usapin ng kalinisan o responsibilidad ng pamahalaan, kundi isang moral at espirituwal na pananagutang bahagi ng pagsasabuhay ng pananampalataya.

“To harm our rivers and choke our oceans with waste is to sin against God’s creation and to compromise the well-being of our neighbors, especially downstream and coastal communities who suffer most from environmental degradation,” bahagi ng pastoral letter ni Bishop Mejia na inilabas noong October 10.

Inatasan ng obispo ang mga institusyon ng bikaryato na mahigpit na ipatupad ang paghihiwalay ng basura at magtayo ng mga compost pit para sa mga nabubulok na materyales.

Kabilang sa mga direktiba ang paggamit ng magkakahiwalay na basurahan para sa biodegradable, recyclable, at residual waste; pagbabawas ng single-use plastics sa mga aktibidad ng Simbahan; at pagbabawal sa pagtatapon ng basura sa mga kanal, bangin, at pampang ng mga ilog.

“This global and local ecological crisis is not merely a secular or civil concern; it is a profound moral and spiritual imperative,” giit ng obispo.
Nanawagan din si Bishop Mejia sa mga lokal na opisyal sa Kalinga at Apayao na mahigpit na ipatupad ang Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act at maglaan ng sapat na pasilidad at pondo para sa maayos na pamamahala ng basura sa mga barangay.

Binigyang-pansin din ng obispo ang mga ilog ng Chico at Apayao, na nagsisilbing daluyan ng mga basurang hindi maayos na naihihiwalay at itinatapon sa mas malalaking daluyan ng tubig at sa dagat.

Ayon sa obispo, ang pagprotekta sa mga ilog at pangangalaga sa kalikasan ay mahalagang bahagi ng pagiging tapat na katiwala ng sangnilikha.
“Protecting our living waters and caring for the earth is an integral part of living the Gospel,” aniya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 90,566 total reads

 90,566 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 124,018 total reads

 124,018 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 159,317 total reads

 159,317 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 385,587 total reads

 385,587 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 274,262 total reads

 274,262 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top