Obispo, nanawagan ng moratorium sa pagmimina sa Catanduanes

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 930 total reads

Nanawagan si Virac Bishop Luisito Occiano na ipatupad ang moratorium sa operasyon ng pagmimina sa Catanduanes na nagdudulot ng malubhang panganib sa buhay ng tao, kaligtasan ng publiko at kapaligiran, kasabay ng babala na hindi dapat isakripisyo ang buhay para sa kita.

Sa kanyang Pastoral Letter on the Protection of Catanduanes Against Destructive Mining nitong October 14, iginiit ng obispo na hindi katanggap-tanggap ang anumang operasyon sa pagmimina na naglalagay sa panganib sa buhay, dignidad ng tao at pangangalaga sa sangnilikha.

“Human life must never be the price of profit,” ayon kay Bishop Occiano.

“We cannot support destructive mining that puts human life, the common good, and the integrity of creation at serious and unacceptable risk.”

Tinukoy ng obispo ang panukalang pagmimina ng karbon na sasaklaw sa limang ektarya.

“Five hectares may seem small on paper, but mining damage is not measured by size alone,” giit ni Bishop Occiano.

Ayon sa obispo, kailangang suriin ang lokasyon ng proyekto at ang posibleng epekto nito sa tubig sa ilalim ng lupa, mga ilog, sakahan at kabahayan, gayundin ang wastong pamamahala sa mga basurang magmumula sa operasyon.

Binigyang-diin din ng obispo na maaaring makontamina ng hindi maayos na nasusuri at nakokontrol na pagmimina ang mga pinagkukunan ng tubig, makasira sa mga sakahan at tirahan, at magdulot ng pagguho ng lupa, pagbaha at landslide.

“We insist: Whether legal or illegal, mining that endangers life and dignity is unacceptable. Legal does not always mean moral,” ayon sa obispo.

Nagpahayag din si Bishop Occiano ng pakikiramay sa mga pamilyang naiwan ng mga nasawi sa mga lugar ng pagmimina ng ginto sa lalawigan.

Hinimok ng pastol ang pamahalaan na imbestigahan ang mga pagkamatay na may kaugnayan sa pagmimina, ipatupad ang mga batas sa kaligtasan at pangangalaga sa kapaligiran, at panagutin ang mga lumalabag.

Ayon sa obispo, hindi dapat sisihin ang mga minero na napipilitang maghanapbuhay sa ganitong paraan dahil sa kahirapan. Sa halip, dapat tiyakin ang kanilang kaligtasan at mabigyan sila ng marangal at napapanatiling
kabuhayan.

Nilinaw naman ni Bishop Occiano na hindi tutol ang Simbahan sa kaunlaran, ngunit dapat itong nakasentro sa kapakanan ng tao at hindi sa paghahangad ng tubo.

“The Church is not against development. We need development that serves people, not people serving profit,” aniya.

Hinimok din niya ang mga mamamayan na maging mapagmatyag, magkaroon ng sapat na impormasyon at magkaisa sa mapayapang paghahanap ng katotohanan at pag-uulat ng mga pang-aabuso.

Binigyang-diin ng obispo na higit na mahalaga ang buhay at dignidad ng mga magsasaka, mangingisda at manggagawa kaysa sa mga mineral na nakabaon sa lupa.

Hinikayat ni Bishop Occiano ang mga mamamayan na piliin ang pangangalaga sa buhay at kalikasan para sa kapakanan ng susunod na henerasyon.

Babasahin ang pastoral letter ng obispo sa lahat ng parokya at kapilya ng diyosesis sa mga misa sa Linggo upang ipagbigay-alam sa lahat ng nasasakupan ang paninindigan ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 90,497 total reads

 90,497 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 123,959 total reads

 123,959 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 159,258 total reads

 159,258 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 385,528 total reads

 385,528 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 274,204 total reads

 274,204 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top