Ceasefire, panawagan ni Pope Leo XIV kay Russian President Putin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 68,816 total reads

Nanawagan si Pope Leo XIV kay Russian President Vladimir Putin na magpatupad ng tigil-putukan sa lungsod ng Oleshky sa rehiyon ng Kherson, Ukraine, upang maihatid ang kinakailangang tulong sa mga sibilyang apektado ng digmaan.

Sa kanilang pag-uusap sa telepono nitong Biyernes, nagpahayag ang Santo Papa ng matinding pagkabahala sa lumalalang kalagayan ng mga tao sa lungsod, na nasa lugar ng labanan at nasa ilalim ng pamamahala ng Russia.

“During the conversation, the Holy Father expressed his deep concern about the grave humanitarian situation in the city of Oleshky, in the Kherson region, and called for a ceasefire to allow the delivery of food and medical assistance, and the voluntary and safe evacuation of the civilian population,” ayon sa pahayag ng Holy See.

Hiniling ni Pope Leo na pahintulutan ang pagpasok ng pagkain at mga suplay medikal, gayundin ang boluntaryo at ligtas na paglikas ng mga sibilyang nais umalis sa lugar.

Ayon kay Vatican Secretary of State Cardinal Pietro Parolin, mismong ang Santo Papa ang nagpasimula ng pag-uusap upang ipanawagan ang agarang tulong para sa tinatayang dalawang libong sibilyang nangangailangan ng ligtas na daanan palabas ng lungsod.

Muling iginiit ni Pope Leo ang paninindigan ng Vatican na isulong ang diyalogo at kapayapaan sa gitna ng nagpapatuloy na digmaan.

Ang panawagan ay ginawa habang nagpapagaling ang Santo Papa sa Gemelli Hospital sa Roma, matapos sumailalim sa operasyon noong Martes para alisin ang ibabang bahagi ng kanyang kanang baga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 61,865 total reads

 61,865 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 144,891 total reads

 144,891 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 239,223 total reads

 239,223 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 300,908 total reads

 300,908 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 343,787 total reads

 343,787 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top